BONGGA ang pelikulang “Deadma Walking” na pinagbibidahan nina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman. Isa ito sa mga pelikula sa MMFF 2017 line-up na inuna kong panoorin (along with Ang Larawan, All of You and Siargao) dahil natatakot ako na baka maging biktima rin ito ng maagang pagpu-pullout sa mga sinehan dahil hindi naman major ang backer nito.
And the movie exceeded my expectations. Sa mga nag-aakala na pareho ang story nito sa “Die Beautiful”, nagkakamali po kayo. Ang pagiging kapareho lang nila ay dalawang beking magbestie ang featured. Ang scope ng kanilang dilemma ay iba.
In the movie, the versatile Joross Gamboa plays the role of John, isang mayamang “pa-mhin” gay na tinaningan na ng buhay dahil sa sakit na cancer. Ang trip niya sa nalalabi niyang araw sa mundo ay ang ma-witness ang kanyang sariling funeral at mapakinggan kung ano ang masasabi ng mga taong makikilamay.
Si Edgar Allan Guzman or EA plays the role of the loud and proud Mark, who is also a theater actor. Very loyal bestie siya kay John and after thinking a lot ay napapayag siya to give the “best performance of his life” by acting as the crying diva sa “lamay” ng kaibigan.
Lahat ng taong may itinuturing na matalik na kaibigan (whether straight or gay) ay makakarelate sa pagsasama ng “mag-migs” (shortcut for amiga).
Gusto ko ang subtle and reserved way ng pag-atake ni Joross sa kanyang papel bilang si John. Napaka-soft din ng kanyang features kaya ang ganda niya talaga in drag. Si EA naman ay todo bigay sa pagiging flamboyant, pero hindi irritating. Dahil dito, parehong may laban sila sa Best Actor.
Star-studded din ang eulogy at ilan sa mga may special appearance ay sina Piolo Pascual, Iza Calzado, Angelu de Leon, Sue Ramirez at Gerald Anderson, na gumanap bilang first love ni John.
Little Trivia: Back-up dancer noon ni Joross sina Gerald at EA!
Ang ‘Deadma Walking’ ngayon ay unti-unting umaariba sa box-office due to word of mouth at siguro’y narinig din ng mga beki friends natin na well represented sila sa pelikulang ito. I’m sure marami ang makakarelate.
Palabas pa rin ang ‘Deadma Walking’ sa ilang sinehan nationwide. Congratulations kay Edgar Allan Guzman dahil nanalo ito ng Best Supporting Actor award (kahit na personally, tingin ko ay dapat sa Best Actor siya nanominate) at I hope na mapansin at manalo si Joross Gamboa sa iba pang award giving bodies dahil mas pinili ng hurado si Derek Ramsay, na magaling din naman sa “All of You”.
Rampa lang, mga beshies!
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club