LEST I BE accused of being a human chameleon, on two accounts ay lilinawin ko lang ang pinaunlakan kong imbitasyon ni Becky Aguila last Monday night: una, the fact remains that Becky to me is more than an acquaintance kahit nitong mga nakaraang araw, we were like North and South Korea; ikalawa, she wanted her side heard.
Alam ni Becky na malaki ang tampo ko sa kanya, just as she, too, harbored the same feeling. Pakiramdam kasi niya, unfair ang naging treatment sa kanya ng Startalk dahil sa ipinalabas naming VTR interview kay Mel Pulmano. Pinalagan ko ang impresyong ‘yon ni Becky, and that was the root cause of all this taltalan through text between the two of us na gusto niyang tapusin.
Having lost considerable poundage, aminadong health-conscious na raw ngayon si Becky. In fairness to her, she was host to me who insisted na mag-usap kami sa isang bar along Timog Avenue where booze and yosi were like husband and wife.
Bitbit ni Becky ang male-maletang mga dokumento na magdidiin kay Mel na ngayo’y nakakulong na. Marami roon ang cash vouchers with Becky’s alleged forged signature made by Mel. Pero napawalang-sala si Mel sa kasong forgery on the ground na kailangan palang merong witness habang pinepeke niya ang pirma ni Becky.
I gave little, if not no importance at all sa mga papeles na ‘yon neatly stacked in folders. Bitbit din kasi ni Becky ang dalawa sa kanyang mga dating tauhan – sina Cynthia at Jenny – na magdidiin kay Mel. Sila mismo ay may mga testimonya to pin down Jennylyn Mercado’s former alalay.
Tulad ng kanyang pakiusap, binigyan ko si Becky ng pagkakataon na ipaliwanag ang kanyang panig off-camera. For all I knew, Becky had something else to say na hindi alam ng buong mundo, and that was her chance.
Let me go Mel says-Becky says. Ayon kay Mel sa kanyang Startalk interview, kusa niyang ipinaubaya ang kanyang sarili nang matimbog siya sa pinsan ng kanyang asawa sa San Mateo, Rizal. Becky says, natagpuan daw ng mga apprehending police authorities si Mel sa isang sulok ng bahay na nagrorosaryo, napaihi’t napadumi na sa sobrang tensiyon.
During the arrest, pumagitna raw ang asawa ni Mel na si Ronnie, makiusap daw sa mga pulis na baka puwedeng aregluhin ang kaso sa umano’y halagang P200,000. Pero tumanggi ang mga pulis.
Obviously, it’s Mel’s word against Becky’s and vice versa. Pero dahil nasa korte na ang usapin, ayon kay Becky, let justice take its course.
ALMOST TWO YEARS na palang walang trabaho sa ABS-CBN si Joross Gamboa. Bagay na understandable kung naiinip na rin ang mahusay na batang aktor. Assurance naman ng Dos, maghintay-hintay lang daw, may proyektong nakalaan naman para kay Joross.
Patience on the part of Joross, however, is wearing thin. In fact, tinatarget na raw ngayon ng aktor ang paglipat sa GMA. For the would-be taker, alagaan lang sana si Joross in terms of exposure as he deserves a better break.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III