SA ISANG BERTDEY party, nakita namin ang alaherong si Ruel Zarandin. At naikuwento nito na hindi pa pala natatapos ang problema sa pagitan nila ng Eat…Bulaga! co-host na si Jose Manalo.
Mula pa nu’ng 2009 nang pag-usapan ang pagkakaroon ng sigalot sa pagitan nila nang ang mga biniling alahas nina Jose at ng kanyang maybahay na si Annalyn eh, hindi diumano napunan ang bayad kay Ruel dahil sa mga tumalbog na tsekeng in-issue nila.
Kaya ang balita sa akin ni Ruel eh, ang isasagawa nang arraignment kay Jose, pati na raw sa maybahay nitong si Annalyn at kapatid din ng huli na nasangkot din dahil minsan daw eh, tseke nito ang ibinabayad sa nasabing alahero.
Sa May 23 sa ganap na ika-8:30 ng umaga, sa Hall of Justice ng Quezon City na sila maghaharap-harap.
Nanahimik nga lang daw si Ruel kahit na panay na ang sabi ni Jose sa mga nag-uusisa sa kanya sa nasabing kaso kung tapos na ito. Kaya nga raw ang alam ng lahat eh, na-settle na ito ni Jose.
At ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit ilang panahon pa ngang nagpahinga mula sa EB si Jose at sinabing aayusin muna niya ang mga personal niyang problema. Kaya nang mag-balik na uli ito sa nasabing programa, inakala naman ng lahat na naayos na nga nito ang kanyang mga problema.
Pero hindi pa rin pala.
NASULAT NA NAMAN ang Board Governor ng Bataan na si Teri Onor na meron ding problema sa isa namang dealer ng mamahaling relo – na si Lito ‘Techno’ Maningas.
Kaya nga agad ko itong tinext kung ano na naman itong inirereklamo sa kanya na hindi pa niya diumano nababayaran ang mga relong binili niya na nagkakahalaga ng P182,000.00.
Ayon sa nasulat, nagtalbugan ang mga tsekeng ibinayad ni Teri at hindi nito sinasagot ang mga text at tawag sa kanya ni Lito.
Nagulat pa si Teri nang usisain ko ito sa kanya sa text. Kasi raw, nag-usap na sila ni Lito. Totoo nga raw na bumili siya ng mga relo noong Marso ng taong ito. Pero nag-closed account daw siya kaya ang sabi niya kay Lito eh, papalitan na lang niya ang mga tsekeng ibinayad niya.
Kinuha ko rin naman ang panig ni Lito. At kinagabihan matapos kong mag-text kay Teri noong umaga, si Lito naman ang nagbigay sa akin ng panig niya.
Ayon sa dealer ng mga mamahaling relo, nag-issue nga raw sa kanya ng mga tsekeng closed account na pala ang nasabing Board Member. Second week daw ng March ‘yun at ang pangako sa kanya ni Teri eh, papalitan ito after ng Holy Week. Sabi nga ni Lito, ‘ano’ng petsa na?’
Nalaman na raw kasi ito ng Boss ni Lito kaya hindi na niya kayang kontrolin at pagbigyan ang hininging palugit ni Teri. At kaya raw siya naloloka – dahil hindi na nga siya sinasagot nito sa mga text o tawag niya.
At nang gabing ‘yun nga, matapos kong usisain si Teri sa nabalitaan ko, nag-text na pala agad ito kay Lito at may usapan na nga silang magkikita na finally sa Starbucks sa Imperial Hotel ng alas-diyes ng gabi at papalitan na nga raw ni Teri ang mga tsekeng tumalbog na ini-ssue nito kay Lito.
As of this writing, hindi pa namin alam kung tuluyan na ngang nagkita ang dalawa dahil naghahanda na si Lito ng isasampa niyang kasong estafa sa nasabing Bataan Board Member.
Eh, ito nga ang kasong puwede ring maayos na lang sa pamamagitan ng maayos na usapan. At ang pagtupad ng promesa sa kung ano ang mapagkasunduan.
Nakikita na natin kung sino ang may mga mali sa kanila.
May imaheng dapat na inga-tan sa publiko ang dalawang nakilala sa kanilang pagiging mga komedyante si Jose at si Teri, na parehong umalingaw-ngaw dahil niyakap at minahal ng mga manonood mula Aparri hanggang Jolo.
Bakit nila pinababayaan na masadlak sila sa ganitong mga usapin?
The Pillar
by Pilar Mateo