WALANG PROBLEMA kina Jose Manalo at Wally Bayola na makasama si Eugene Domingo sa bago nilang game show na Celebrity Bluff sa GMA-7. Para raw ginawa mong Wally at Jose na naging babae ang kanilang tandem. Madalas pa lang manonood si Uge ng mga shows nina Wally at Jose. Feeling nga ni Jose, para lang karugtong ng Eat Bulaga ang show nilang tatlo kaya hindi sila nahirapan.
Almost eight years nang magkaibigan sina Jose at Wally. Hindi raw maiiwasan na paminsan-minsan magkaroon sila ng tampuhan. “Minsan nagkakatampuhan kapag nasa shows kami. Mapapansin ko na wala siya sa mood so, nagsasaluhan na lang kami. After nu’n hindi muna kami mag-uusap pero kinabukasan wala na ‘yun. Hindi kami nagpapansinan for one week, sa entablado lang. Naiinis nga ako, hindi kami nag-aaway nito, buti pa ang mag-asawa nag-aaway,” pabirong sabi ni Jose.
As a person, sensitive at very emotional si Jose pagdating sa mga mahal niya sa buhay. “Korek ‘yan, mas malalim mag-isip, malalim magmahal, masaktan. Ano ako, totoong gulay,” sambit niya.
Hindi pala pinangarap ni Jose na maging isang comedian.“Hindi, bata pa lang ako, alaskador na ako. Kasi nga, lumaki ako sa Tondo. Sa Tondo kasi, ang da-ming buskador, lolokohin ka, ‘pag ‘di ka lumaban, kai-langang mabilis ka sa kantiyawan. ‘Yun ang dala-dala ko ngayon. Sakto lang, saktong-sakto lang kung ano ‘yung natutunan ko sa kalye. Hindi natututunan ang pagiging komedyante. Napag-aaralan ang acting pero ‘yung pagiging comedian, lumalabas ‘yan,” dugtong pa nito.
Inamin ni Jose, maraming beses na siyang nasaktan pagdating sa pag-ibig. “Ang dami, hahahaha! Hindi ko na matandaan sa dami niya. Pero ‘yung sakit, sandali lang. ‘Pag nasaktan ako ngayon, kunwari, kaibigan kita, may nagawa ka sa akin na hindi maganda, two days lang, wala na. Pero magkaibigan pa rin tayo. Pero hindi na ganu’n ‘yung treatment. Sa relationship, ganoon din, kailangang tanggapin mo lang. Kasi, kung iisipin mo siya nang iisipin, hindi ka makaka-move-on, ‘di ba? Kung kakargahin mo lahat ng problema, lalo na sa klase ng trabaho namin, mahirap. Kailangan mong magpatawa, kailangan mong magpasaya. Ngayon, kung may binibi-tbit kang problema, makikita ‘yun,” pahayag niya.
Napag-alaman namin na madali palang magpatawad si Jose sa mga taong nakagawa sa kanya ng kasalanan. “Oo, napaka… ako ‘yung tao mabilis magpatawad. Ayaw kong magtanim ng sama ng loob sa kapwa ko. ‘Yun nga, kapag may ginawa ka sa akin, magagalit ako nang sandali. Siyempre, raramdamin ko muna kung ano ‘yung ginawa mo. Iniisip ko rin naman baka may mali rin ako. Hindi ako nagwa-one sided lagi. ‘Yun nga lang, hindi na ganu’n ‘yung treatment mo sa akin. Kung close friend kita na may ginawa kang hindi maganda sa akin, kakausapin pa rin kita. Masaya tayo, pero hindi na all through out. Kasi ako, kaibigan o kahit anong relasyon, ayaw kong magtago. ‘Yun nga ang sabi sa akin madalas, may lumapit sa aking manghuhula, ‘magtira ka naman para sa sarili mo’. Ganu’n akong tao,” paliwanag ng comedian.
Abot-kamay na nga nina Jose at Wally ang tagumpay kaya’t ibayong pagsisikap ang ginagawa nila para matulungan ang kani-kanilang pamilya.
Ayon kay Jose,“Ngayon sa mother ko. Siyempre, nag-iipon para magkaroon ng kaunting savings para sa pag-aaral ng mga bata. Siyempre, kahit sinong artista pangarap na magkaroon ng sariling bahay na sa ‘yo. Wala pang sariling bahay kaya ang hirap maghanap ng ibabahay, kasi walang pang-bahay. Siyempre, ‘yung sa seguridad ng health ko, importante ‘yun. Anytime na mawalan ako ng trabaho, huwag naman sana. Hindi ako manghihingi kahit kanino kung magkasakit ako. Kahit wala akong trabaho may dinudukot ako kung anumang sakit, kung anuman ang mangyari sa buhay ko. Kahit huwag na ang bahay, ‘yung pag-aaral na lang ng mga bata.”
‘Yung tandem nina Jose at Wally, click na click sa masa, may secret formula kaya ang dalawa? “Wala, pareho lang kaming sira-ulo. Siguro, nagkagamayan na kami, araw-araw ba naman ka-ming magkasama. Ina-apply lang namin kung ano ‘yung napagkukuwentuhan namin off-camera sa camera. Hindi kami nagko-concentrate, ang script nand’yan pero more on adliban namin,” mabilis na sagot ni Jose Manalo.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield