JOHNNY BE GOOD! Mensahe ng mahusay na aktor na si Johnny Delgado sa Facebook: “Me mga nagsabing iwanan na natin ang industriyang ito na walang kaluluwa. Sabi ko, ‘yan ang gusto nila para tuluyang magamit ito at wala nang papalag. what has happened to the Filipino artist? Kinapon!”
Dagdag pa niya, “Kaya nalugmok sa dusa ang industriya ng pelikula at sining ay dahil napolitika at korapsyon dahil nagpagamit naman ang mga artist, napipi at bingi. ‘Di lang gobyerno. Pati mga networks, unfair labor practice, 24 hours of labor, isang araw ang bayad at kung magkasakit ka o mamatay wala kang aasahan. ‘Yung malalaki lang naman ang kumikita, ang karamihan, isang kahig, isang tuka pa rin.”
Sa fezbuk man lang daw, marinig man lang ang kanyang munting tinig.
Eh, nakikinig ba naman sila? At me fezbuk ba naman sila?
Tanong naman ni Eugene Domingo doon din sa fezbuk, ano raw ba ang ibig sabihin ng National Artist?
Sagot naman ang dowter ng Henyo sa Comedy at sari-saring punchlines na si Joey de Leon na si Cheenee: “Ibig sabihin ng National Artist-mascot ng National Bookstore!”
Waley o havey?
L.O.L.: MAY NAGSABI sa amin na diumano, sa fezbuk din umariba sa mga reklamo niya ang komedyanang si Gladys Guevara laban sa nakakasama naman niya sa shows sa Klownz at Zirkoh na si Jose ‘Wangbu’ Manalo.
Sabi raw ni Gladys sa fezbuk ni Arnell Ignacio, galit na galit daw siya kay Jose dahil pinagmumura raw nito ang kanyang banda. Sabi pa raw ni Gladys, maayos na nagtatrabaho ang banda niya. At hindi raw sila gaya ni Jose na hingi lang nang hingi ng pera sa customers!
So, we asked Jose’s reactions regarding this. Hindi raw niya maintindihan kay Gladys, kung ano’ng galit meron ito sa kanya dahil kapag nagkakasabay nga raw sila ng show, madalas na pinauuna na niya itong sumalang kahit na siya ang dapat mauna. Basta nag-request daw eh, ibinibigay naman niya.
“Bakit kailangan niyang sabihing minura-mura ko ang banda niya? Ako pa? Kilala naman ako ng mga tao. Hindi bibig ko ang pagaganahin ko. Kung away ‘yan, suntukan na lang! Hindi ko pinakikialaman ang trabaho niya kaya ‘wag n’ya rin akong pakialaman!”
Say ng naghatid ng balita sa amin, away raw ito ng dalawang buraot. Look n’yo na lang sa dictionary whatever it means! Busy ako!
BLOODY DONOR! Type A+ pala ang dugo ni Tonton Gutierrez. At nang kinailangan ng anak ni Hazel Parfan ang dugo at nilapitan niya ang members ng cast ng May Bukas Pa, si Tonton ang nakatugon sa kanilang pangangailangan.
Isinilang daw kasi ang anak ni Hazel na parte ng production ng MBP na buong-buhay nang kakailanganin ang dugo. Kaya naman daw lalo lang tumibay ang paniniwala niya sa milagrong inihahatid ng kanilang palabas na tuma-touch sa lahat ng tao, nasa cast man, nanonood at marami pa,dahil sa faith nila kay Bro.
Ito ang isa lang sa mga istoryang naisalaysay sa Thanksgiving Party na inihatid ng cast kelan lang dahil nga sa walang sawang pagtangkilik ng mga tao sa palabas na in-extend na hanggang February 2010 ang ikot ng istorya.
The Pillar
by Pilar Mateo