BAHAGI KAMI bi-lang staff sa kaka-tapos lang na Erap 75, ang diamond birthday celebration na inihanda ng mga anak ni Former President Joseph Estrada na idinaos noong Huwebes, April 19, sa Le Pavillion sa may Roxas Boulevard. A fusion of showbiz, business and politics, ‘ika nga, ang mga invited guests sa naturang pagtitipon, kung saan umaapaw ng mga bisita sa venue.
Mga alas siyete ng gabi, dumating na ang celebrator at ang mga very important guest ni Erap na sina VP Binay at President Noynoy Aquino, no less.
Nagsimula ang programa bandang alas siyete y medya ng gabi at natapos ito bandang alas dose y medya ng hatinggabi. Walang dull moment sa program na inihanda ng production people.
Sa panayam kay Erap, inamin niyang wala na siyang mahihiling pa sa kanyang buhay. Aniya, “Eversince, I will always wish that somedy, somehow, would be able to uplift the plight of our marginalized people of their everyday lives, better and better.”
Inusisa naman ng media si Erap if tuloy na nga ba ang kanyang balak na tumakbo bilang Mayor ng Maynila, pero ayon pa sa kanya, “Ah ‘yan ang mabigat kong pinag-iisipan. I’m seriously thinking about it.”
NAKAUSAP DIN namin si Senator Jinggoy Estrada sa birthday party ng kanyang amang si former president Erap Estrada at inusisa namin siya kung sino nga ba ang gusto niyang mabigyan ng National Artist award. Lumulutang na kasi ang mga pangalan nina Governor Vilma Santos, Superstar Nora Aunor at ng Comedy King Dolphy.
Ayon kay Jinggoy, “I already gave a statement, siguro unahin natin si Tito Dolphy because of his age, and because of his health, sana matanghal na siyang National Artist habang siya’y nabubuhay pa.”
“And of course, Gov. Vilma and Nora, Eddie Garcia, all but deserving to be National Artists.”
KINONTAK NAMIN si Ate Aida, ang kanang kamay ni Governor Vilma Santos upang makahingi kami sana ng interview para sa Paparazzi sa butihing punong panglalawigan ng Batangas.
Ani Ate Aida,nasa shooting kasi sila ng pelikulang The Healing kung saan lamay scene ang kinunan sa Candelaria, Quezon kaya malamang daw na magdamag sila roon.
Pero kinabukasan, isang maiksing statement ang ipinadala sa amin ni Governor Vilma thru Ate Aida, tungkol sa pag-push ng ilang mambabatas sa kanila ni Superstar Nora Aunor at Mang Dolphy bilang national artist.
Ayon sa statement ni Gov. Vilma, “Salamat sa tiwala! Tito Dolphy deserves it more, 200%. Thank you!!!”
Sure na ‘to
By Arniel Serato