PARA SA Kapamilya hunk actor na si Joseph Marco, ang Los Bastardos ng ABS-CBN ang teleseryeng ginawa niya na pinaka-nag-enjoy siya.
“I don’t know, maybe because lima kaming lalaki sa teleserye na magkakasundo. Sabay-sabay kaming nagdyi-gym, tapos pare-parehas kami ng kalokohan.
“Para kaming naglalaro lang, but when it comes sa set, lalo na pag mabibigat ang eksena, hindi talaga kami nag-usap, wala talagang pansinan,” pahayag ni Joseph.
Amindo ang aktor na kung hindi nawala ang karakter ni Diego Lozyaga sa Los Bastardos ay hindi siya mapapasama sa cast ng afternoon soap.
Lahad niya, “Yeah, kind of. They had to replace Diego, and nagpapasalamat ako na ako yung napili nila.”
Patuloy niya, “Feeling ko meant talaga sa akin yung project na ito. And thankful ako kasi sobrang winelcome nila ako noon. Hindi ko na-feel na baguhan ako sa cast, parang naging part ako kaagad nung cast.
“And right now, we’re ending na in few days, medyo malungkot pero happy rin kasi may mga nabuong friendship sa amin.”
Nagsimula ang Los Bastarods umere noong Oktubre 2018. Tinutukan ito ng mga manonood at nakuha pa nito Ang all-time high national TV rating na 20.3% ayon sa datos ng Kantar Media. Pinag-usapan din ito online at naguna sa trending topics at nakalikom ng libo-libong views sa YouTube at iWant.
Sa last two weeks ng Los Bastardos ay marami pa raw dapat abangan ayon sa cast ang production team.
Bukod nga pala kay Joseph, kasama rin sa serye sina Jake Cuenca, Marco Gumabao, Albie Casino, Joshua Colet, Kylie Verzosa, Maxine Medina, Gloria Diaz, Ronaldo Valdez at marami pang iba.
La Boka
by Leo Bukas