BIDA si Joseph Marco sa Viva Films movie na Kunwari Mahal Kita na ididirek ni Dick Lindayag. Kasama niya dito sina Ryza Cenon at Nathalie Hart.
Sa pelikula ay asawa ni Joseph si Nathalie pero mai-involve ito sa makikilang probinsyanang babae na si Ryza. May love scene din si Joseph sa pelikula na first time niya raw gagawin.
Pag-amin ni Joseph, “Actually, ito yung first movie na gagawin ko na may love scene… yeah, first movie ko na may ganun. I guess, it’s something new and open naman ako to do whatever as long as pasok do’n sa story.”
Ayon pa sa aktor, sa isang horror film na ginawa niya sa Japan ay nagpakita na rin siya ng “something.”
“Abangan nila yon, do’n first time ko ring nagpakita ng something,” bitin niyang kuwento.
May non-showbiz girlfriend si Joseph at 10 buwan na silang magkarelasyon. Wala pa raw silang planong magpakasal dahil masyado pang maaga.
“Ang dami pa naming gustong gawin. Right now I’m studying Filmmaking kasi gusto ko ring pasukin yung behind the camera. Siguro do’n sa pagdidirek papunta, siguro one day, but for now I wanna be involved muna with everything like sa production and stuff behind the camera.
“My girlfriend naman is planning to join Miss Universe Philippines in 2021. Parang di pa kasi siya masyadong ready and she thinks she need to prepare kasi nga yung pageant like that it’s so big, hindi mo puwedeng madaliin, kailangan talagang paghandaan and she wants to be ready,” pagbabahagi pa ni Joseph.
Dagdag niya, “I’m very supportive naman sa kanya. Kung ano yung kailangan niyang gawin, I’m just there to support her and to understand everything.”