IBINAHAGI ni Kris Aquino sa kanyang social media account ang plano ng panganay niyang si Josh Aquino na manirahan sa Tarlac. Masaya din ang actress-TV host na finally ay nagkabati na si Josh at ang bunso niyang anak na si Bimby.
“Namili na si kuya josh, gusto na nya talagang tumira sa Alto (our family compound) in what he calls “lola’s house”, in Tarlac… malapit na ang birthday ng panganay ko (June 4), through my cousin, ate @celdasan we reached out to Gov Susan Yap.
“Nag prepare kami ng 800 grocery bags (thank you for helping me with my order Puregold and UniPak) that kuya josh will turn over to Gov Susan to share w/ families she feels will benefit most from his birthday outreach,” simulang post ni Kris sa Instagram.
“The 3 of us said our goodbyes yesterday afternoon… Pabalik na kami ni Bimb to our serviced residence while the condo we’ll be leasing is being readied.
We are not a perfect family, nagka mahabang tampuhan yung 2 boys BUT nakuha talaga sa dasal, pasensya, at pagmamahal- finally kahapon naramdaman kong nabalik na yung dating higpit ng yakapan at kulitan / lambingan nung dalawa,” masaya naman niyang balita sa pagbabati ng dalawang anak.
Iginiit din ni Kris na hindi dapat lagyan ng kulay politika ang kanyang post tungkol sa pamilya. Ang gusto lang daw niya ay ibahagi ito sa mga nagmamahal sa kanila.
“I can share that story because it’s about my sons & me… my family is not just limited to my 2 boys, alam nyo how important my sisters & brother are to me, BUT they value their privacy and i totally respect that i can share my life but not our lives.
“In time i hope i can tell you more because you deserve to know why i have so much more to learn & do to be worthy not only of being the daughter of my parents BUT to earn the privilege of being “bunso”, (tawag nya sa kin fondly or pag umiiling na lang) of the most humble, trustworthy, capable, dignified, and morally upright man i am so blessed to have as my brother.
“Uunahan ko na — bago lagyan ng kulay pulitika at mag wild na naman ang trolls — i am writing this because of LOVE. Kailan ba naging masama mahalin ang mga anak at kapatid mo? Sa dami ng toxic na negativity ngayon hindi masama na mag share ako na bilang pamilya, BUO, may respeto, at nagmamahalan kami.
“I have said repeatedly — i am not interested in politics now. BUT it is my right to protect our family’s name & honor. Sabi nga ni Avril Lavigne from her song WARRIOR: i pick my battles because i know i’m gonna win the war,” huling bahagi ng kanyang post.