HABANG TUMATAGAL ang pagpapalabas ng ‘Love You to the Stars and Back’ na pinagbibidahan nina Joshua Garcia at Julia Barretto, lalong dumarami ang nanonood nito. Hindi rin naman natin matatawaran ang hatak ng direktor nito na si Antoinette Jadaone na may sariling fanbase. Her ‘That Thing Called Tadhana’ changed the landscape of romcoms in the Philippines.
Hindi ko napanood ang ‘Vince & Kath & James’, but through this film ay na-appreciate ko ang acting capabilities nina Joshua Garcia at Julia Barretto. Siguro ay naninibago pa ang binata sa patakaran ng showbiz (sa PBB naman kasi siya galing at considered na ‘newbie’ pa), pero when it comes to his acting skills ay very promising ito. Hindi natin maiwasan na mai-compare si Julia Barretto sa Tita Claudine niya (na miss na namin sa big screen!) kasi nananalaytay sa dugo at charisma nito ang tatak Barretto, which is very good and palaban pagdating sa acting.
Ang kuwento ng ‘Love You to the Stars and Back’ ay hindi masyadong giveaway sa trailer. This is a story of two young individuals named Mika and Caloy. Si Mika (played by Julia) ay isang rich but feeling lonely girl na hindi pa rin maka-move on sa pagkamatay ng kanyang ina at may hugot pa rin dahil nagpakasal na ang kanyang ama sa ibang babae. Ang past time ng mag-ina noon (played by Carmina Villaroel) ay ang pagsa-star gazing. They both believe na may mga aliens at puwede silang magpadakip sa mga ito by climbing the fictional Mt. Milagros.
Sa kabilang banda, si Caloy ay isang batangueno na mahal na mahal ng kanyang pamilya (The Good Son!) at na-diagnose na may cancer. Kahit pa may taning na ang buhay nito, he still looks at life with full positivity.
Tila nahanap nina Mika at Caloy ang pupuno sa kalungkutan at kakulangang nararamdaman nila nang by chance ay nagmeet sila sa daan. Ang adventure at misadventures ng dalawa sa loob ng isang araw ay sapat na para masabing they found love and hope in one another.
I don’t want to give to much spoilers, but I appeal na sana’y panoorin ninyo ang napakagandang pelikulang ito. Hindi ito ang usual romcom film na generic na pinapalabas ng Star Cinema (pero may mga nakakatawa at nakakakilig na moments ang Joshlia!). Nakakaaliw din ang sexual tension at natural chemistry sa pagitan ng dalawa, which makes this ride really enjoyable.
Mukhang busy ngayon ang Star Cinema sa pagpo-promote ng mga upcoming films nila. As someone who enjoyed this film, I volunteer to appeal to the moviegoers na sana ay panoorin nila ito. Several film critics praised the movie. Kahit ang mga dating ‘detractors’ ng JoshLia ay naging instant fans na rin. Ang mga fans ni Direk Tonet who missed her works sa big screen ay major ang tuwa and claims na ito na ang paborito nilang pelikula niya.
Palabas pa rin ang ‘Love You to the Stars and Back’ sa mga sinehan nationwide! Watch na!
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club