KAHIT NA hindi talaga official ‘kilig’ movie ang ‘Block Z’, hindi mo maipagkakaila na isa sa mga rason kung bakit sumugod sa sinehan ang mga moviegoers ay ang kanilang mga paboritong artista na bida sa pelikula. Ang ilan ay curious kung kumusta ang performance nina Joshua Garcia at Julia Barretto a.k.a. JoshLia pagkatapos ng pagkabuwag ng kanilang real and reel loveteam.
Fortunately for the two, pareho silang magagaling na artista kaya naman masasabi na tama ang pagpili sa kanila bilang main characters sa ‘Block Z’. May mga pahapyaw na kilig moments, pero mas nanaig ang performance nila as individuals. Kitang-kita mo ang guilt and determination sa mga mata ni Joshua habang nakakatuwang panoorin ang transition ng karakter ni Julia mula sa pagiging nerdy medical student to a zombie slayer.
Nagustuhan ko rin ang chemistry nina Ian Veneracion at Julia bilang mag-ama, na tila continuation ng kanilang karakter sa Kapamilya teleserye na ‘A Love to Last’.
May kilig na dulot ang JoshLia, pero hindi rin maikakaila ang pagkabitin ng mga kasama ko sa sinehan na nanood sa namumuo sanang love story sa pagitan nina McCoy de Leon at Maris Racal. Kung hindi ako nagkakamali, nagkaroon ‘ata ng initial plan ang Kapamilya network na silang dalawa ang pagtambalin sa ilang teenybopper projects noong bago pa lang sila sa showbiz. Ang kaso, mas nainvolve si McCoy kay Elisse Joson na na-develop sa pagkakakulong nila sa PBB House. Si Maris naman ay ipinares kay Inigo Pascual. Kahit na maraming fans ang McLisse at MarNigo, hindi rin ito tumagal.
May mga tweets pa nga na bagay ang pagiging ‘nerdy’ o torpe ni McCoy habang effective naman na mala-alta at girly medical student si Maris. Without giving out spoilers, may isinakripisyo ang mga karakter nila maliban sa possible love story. Ouch!
Palabas pa rin ang Block Z sa mga sinehan nationwide. Kung updated kayo sa mga real life events sa paligid, may mga makikita kayo na coincidence mula sa virus hanggang sa pangalan ng unibersidad kung saan nagana pang campus lock down. Watch it na!