SA GRAND presscon ng zombie movie na Block Z ay walang nangahas na magtanong sa mga bidang sina Joshua Garcia at Julia Barretto nang personal. Pero nung turn na namin para mag-ask ng question, mapangahas naming tinanong ang dalawa.
Sabi namin, ‘Kumusta na ba ang working relationship nila ngayon?’
Of course, hindi kami sure kung sasagutin nina Joshua at Julia ang aming tanong natin, pero in fairness, naging very accommodating sila at walang kiyemeng nagbigay ng sagot sa tanong namin.
Wika ni Joshua, “Okay naman kami. Okay kami and… okay kami…”
Hindi rin itinanggi ni Joshua na nami-miss niya ang dating kasintahan.
“Actually, nung nakita ko siya, ito personally, parang na-miss ko din siya. Kasi siyempre, ang tagal naming hindi nagkasama. Na-busy siya, na-busy ako,” dagdag niyang pahayag.
Sey naman ni Julia, “Thank you for asking. We’re okay. And that’s one of the things I’m grateful for — that we were able to really protect and make sure that the friendship will stay and remain.
“And tama siya. When I first saw him also, it felt familiar. Kumbaga, parang it’s a familiar place, it’s a comfortable, safe place.”
After ng aming tanong ay wala nang nag-follow-up question pa. Nakiusap kasi ang host ng event na si MJ Felipe na kung maaari ay puro tungkol lang sa Zombie ang itatanong sa cast na siyempre, sinunod naman ng entertainment press.
Kasama rin sa cast ng Zombie na idinirek ni Mikael Red sina Ina Raymundo, McCoy de Leon, Maris Racal at Yves Flores. Ipapalabas ang pelikula sa January 29.