Sa mga fans nina Jane Oineza at Joshua Garcia na umaasam-asam pa rin na silang dalawa ang magkatuluyan, kahit na sa ilang mga pagkakataon na tila palagi naman silang pinaghihiwalay sa mga projetcs nila, tila malaki ang chance na magka-develop-an ang dalawa lalo pa’t inamin ng dalaga sa presscon ng “Always Be My Maybe” na hindi sila naging item ng basketbolistang si Jeron Teng.
“Hindi po kami. Never po kami. Naging friends lang kami na sinusuportahan ko lang ang mga projects and event niya,” sabi ni Jane Oineza sa press.
Noon pa man, bago pumasok sa eksena itong si Jeron, malakas na ang tambalang Joshua Garcia at Jane. Sa katunayan, ang dami nilang mga fans na kung pag-aaralan lang ng Kapamilya Network and Star Cinema’s marketing team, malakas ang support based ng dalawa. They have lots of supporters nationwide and overseas. Kaya kung tuluy-tuloy lang, magtatagpo rin ang dalawa sa isang future projects ng Kapamilya Network at Star Cinema.
Si Joshua, ipinareha sa kung kani-kanino pero walang chemistry ang mga pakikipagtambalan niya. Si Jane naman, mas gusto ng fans at supporters niya na kay Joshua ipareha na gusto nilang suportahan.
Sabi ko nga sa mga JoShane (tawag ng mga fans nila sa kanila), ‘wag lang sila bibitaw. Darating din ang tamang time na ang pangarap nila tambalang JoShane on television at sa pelikula ay makaroon din ng katuparan.
Sa trailer ng pelikula ni Jane with Gerald Anderson and Arci Muñoz, ang interpretasyon ko lang, tila girlfriend ni Ge si Jane sa obra ni Dan Villegas.
Kahapon, Valentine’s Day, walang ka-date si Jane kundi ang girlfriend (babeng kaibigan) lang niya na walang pang confirmation. Kung hindi sila natuloy mag-girls night out, malamang na stay at home lang at kumain na lang ng ice cream.
Reyted K
By RK VillaCorta