SA ZOMBIE film na Block Z ng Star Cinema ay naranasan ni Joshua Garcia na gumawa ng mga stunts habang nakikipaglaban siya sa mga zombie.
“Ako na-enjoy ko yung mga stunts kaso hindi naman ako palagi nakakapag-stunts eh. Lagi akong, ‘I love you’, so sobrang saya ko na nag-i-stunts kami. Actually may ginawa ako dun na stunts na sa sobrang hirap kinailangan ko mag-double. Pero gusto ko sanang gawin,” excited na kuwento ni Joshua about his latest movie na kasama si Julia Barretto, Maris Racal, McCoy de Leon, Yves Flores, Ina Raymundo at marami pang iba.
Hindi rin naiwasang magkaroon ng minor accident si Joshua while shooting Block Z na showing on January 29 mula sa direksyon ni Mikhael Red.
“Kasi pag tiningnan mo talaga sila (zombies) nakakatakot, para kayong nagtataya-tayaan actually pag nag-te-taping kami. Kasi siyempre ang goal nila mahabol ka, kumbaga mataya ka nila. Matatakot ka itsura pa lang talaga nila.
“Nung paglingon ko hindi ko napansin yung locker, tumama yung shoulder ko sa locker. Pagka-bangga ko ng ganun hindi na ako nakapag-react dun sa pain, tatakbo lang talaga ako pababa. Mapapatakbo ka talaga pag ganyan ka, nakakatakot yung zombie,” kuwento niya.
Ayon pa kay Joshua, naging madali ang pag-arte niya sa mga nakakatakot na eksena kasama ang zombie actors na naka-prosthetics.
“Actually para sa akin yung mga zombies pa lang mismo nakakatakot na, eh. Parang gagawin mo na lang siyang totoo sa iyo. Kasi nakakatakot na talaga yung zombies kapag nag-a-action na kasi hindi na sila yung sila, eh, naging zombie na sila. Natatakot na ako sa kanila palagi,” lahad ng aktor.