Ito na marahil ang tamang panahon ni Joshua Garcia.
Noong simula kasi, pa-tweetums ang imahe ng Batangueño na nakilala sa kanyang pagsali sa Pinoy Big Brother Teen Edition. Sa katunayan, sa loob ng bahay ni Kuya, nagkaroon ng “romance” sina Joshua at si Jane Oineza. Hanggang sa paglabas nilang dalawa, dala-dala nila ang nabuong “romansa” sa loob ng bahay ni Kuya. Kaya ang dalawa, tinawag na “JoshAne” ng supporters nila.
Sa totoo lang, ang lakas ng fan base ni Joshua lalo pa’t kapag si Jane ang ka-partner niya. Sa tangkang makahanap ng ka-love team at kung kanino talaga babagay ang binata, kung kani-kanino siya ipinareha. Gayon din si Jane na minsan ding romantically na-link kay Jeron Teng. Magpasa-hanggang ngayon, matibay pa rin ang love team nila ni Jane on-cam. Buong-buo pa rin ang mga tambalang JoshAne na na sinusuportahan ng fans nila worldwide.
Sa paglalakbay ng binata sa showbiz, kung kani-kanino siya ipinareha. May afternoon serye ng sila ni Jane noon, hindi naman sila ang naging magka-love team. Tuloy, sabi ng ilan, baka si Joshua raw ay hindi na kailangan ng ka-love team. He can exist as a solo star. Keri niyang mag-isa at hindi kailangan ng ka-love-team dahil ang tipo niya na hinuhulma sa isang tulad ni John Lloyd Cruz, kayang-kayang manindigan kahit kaninong babaeng artista siya ipareha.
Parang si Lloydie na ipareha mo kay Bea Alonzo or kay Sarah Geronimo at kung kani-kanino ay tanggap siya ng publiko. Si Joshua, parang ganu’n. Parang siya si JLC at pakiwari nga ng marami, doon na rin patutungo ang binata.
Kaya nga sa pagkakataong nagustuhan siya ng de kalibreng film director na si Olivia Lamasan, special request siya ni Inang (tawag ng showbiz sa magaling na direktora) na mapasama sa “Barcelona: A Love Untold” na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Nakapa-proud ang kuwento ni Direk Olivia tungkol sa actor. “I personally requested to work with Joshua in this film. When I saw him in PBB, sabi ko, ‘itong batang ‘to, parang meron ‘to,” kuwento ng batikang director.
Pero hindi madali sa binata ang karanasan niya kay Direk Olivia. “Ang masasabi ko ay, oo (meron nga siya), pero nagdusa siya talaga. Pero natutuwa ako sa batang ‘to, napaka-grounded. Sabi ko sa kanya, ‘Alam mo, anak, mag-focus ka lang because you have it’,” direktang sabi nito kay Joshua.
Advise ni Direk Olivia sa ibang mga baguhan na gustong magkamarka sa showbiz sa usaping acting, “Sasabihin ko, ‘do your job’. Research muna, tapos kung kakayanin mo kung paano ako, then go,” na siyang advice niya rin sa binata.
Sa ngayon, suwerte nga ni Joshua. Bukod sa magandang break na ibinigay sa kanya sa pelikula ni Direk Olivia, kabilang din siya sa cast ng bagong afternoon serye ng totoong buhay na “The Greatest Love”, na pinagbibidahan ni Sylvia Sanchez who plays Gloria Alegre, where he plays grandson of Sylvia na very close sa kanyang lola. Napanonood si Joshua on weekdays sa serye pagkatapos ng “Doble Kara”.
Basta for us at sa mga nagmamasid sa career ng binata, ipareha man siguro siya kay Jane o kung kanino man sa girls as his ka-love team, hindi na marahil mahalaga ‘yun.
Ang importante, napansin na rin sa wakas ang tatahi-tahimik na Batangueño.
Reyted K
By RK VillaCorta