KAMAKAILAN, TINANGGAP KO ang imbitasyon bilang Program Ambassador ng Plan, isa sa pinakamala-king children’s development organizations sa buong mundo. Inalagaan ng Plan (dating Foster Parents Plan for Children in Spain) ang mga batang biktima ng Spanish civil war. Itinatag ito ng British journalist na si John Langdon-Davies at refugee worker na si Eric Muggeridge noong 1937. Ngayon, ang Plan ay aktibo sa 48 developing countries at 23 fund raising countries.
Sabi ko, ako ay mag-iingay nang husto bilang Plan Ambassador para maisulong ang mga programa nitong Batang Listo (Learned Child) at Batang Bida (Children and Youth Engagement). Ako ang magsisilbing boses ng Plan para palaganapin ang karapatan ng mga bata na makapag-aral dito sa Pilipinas at sa buong mundo. I will also speak about their right to be heard in the affairs of the community especially in matters that involve children.
Ang Country Director ng Plan na si Michael Diamond ay nakapag-asawa ng isang Filipina. Plan was on its 8th year nang dumating siya sa bansa noong 1961 dahil sa imbitasyon ni Carlos P. Romulo na dating presidente ng U.N. General Assembly.
Plan is a child centered organization which works on key issues affecting children gaya ng education, health, livelihood, governance, water and environmental sanitation, child protection and disaster risk reduction and management.
Mukhang nakatadhana yata talaga akong maging kabahagi ng Plan dahil mayroon itong opisina sa amin sa Borongan City, Eastern Samar. Aktibo rin ang Plan sa mga barangay sa Masbate, Isabela, Occidental Mindoro, Western at Northern Samar, Southern Leyte at Camotes Island sa Cebu. Sa ngayon ay sinusuportahan ng Plan ang 200,000 kabataang Filipino.
Ipinagdiwang kamakailan ng Plan ang 50th anniversary nito sa Dusit Hotel kung saan ipinalabas ang ilang short films na gawa ng mga kabataan. Naalala ko tuloy ang former Disney president na si Michael Eisner na nagsasama ng mga ordinaryong tao at bata from all walks of life kapag nagkakaroon sila ng “gong” sessions (brainstorming) sa Disney. They would throw ideas to the wind, however silly or brilliant they were. At sinasabing sa isang session daw nabuo ang konsepto ng The Lion King, an input na nagmula sa isang bata. Alam naman nating lahat na naging blockbuster ang pelikula noong 1994 at nagkaroon pa ng apat na Oscar nominations. Ito ay isang patunay lamang that there’s a need to engage the voice of the youth, the voice of children dahil sa kanila nakasalalay ang ating kinabukasan.
I am proud to be the voice of Plan. Sabi ko nga, kahit abala ako sa a-king trabaho ay maglalaan ako ng oras para maisulong ang mabuting layunin ng Plan. This is the time to go back to my roots. Ito na ang hinihintay kong pagkakataon para bumalik sa Borongan at bisitahin ang mga silid-aralan kung saan ako nag-aral noong ako ay bata pa, ang mga kalye kung saan ako naglaro, ang town plaza kung saan ako gumala. This is my journey for more meaning in my life and it has just begun. At masaya ako.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda