NAGBUNYI ANG MASANG Pilipino sa pagkakapanalo ni Jovit Baldovino as first grand winner sa nationwide talent show na Pilipinas Got Talent na ginanap sa Araneta Coliseum kamakailan lang. Among the finalist, ang Batangueño singer turned YouTube sensation ang nakakuha ng pinakamaraming text votes, almost fifty percent!
Two million pesos cash ang napanalunan ni Jovit, matutupad na ang kanyang pangarap na makabili ng sariling bahay at lupa, at mapag-aral ang kanyang mga kapatid.
Contestant pa lang sa PGT si Jovit, todo-suporta na si Governor Vilma Santos sa binata. Kinuha niya ito sa mga event noong kainitan ng kampanya niya sa Batangas City. Kumikita ito ng ten thousand pesos per show sa iba’t ibang bayan sa Batangas.
Palibhasa magaling na mang-aawit si Jovit, kaya unti-unti itong gumawa ng pangalan sa kanilang lugar sa tulong ni Gov. Vi. Maging ang katunggali ni Ate Vi sa pagka-Gobernador na si Armando Sanchez ay nagkainteres na kunin si Jovit para mag-perform sa kanilang pangangampanya. Kinausap nito at binayaran ng thirty thousand pesos ang tatay ni Jovit na si Hilario Baldovino para i-pull out sa show ni Gov. Vi.
Nang gabi mismo ng pagtatanghal ni Jovit sa Batangas, dumating ang tatay ni Jovit para sunduin ang anak. Kinaladkad at pilit na pinasasakay sa kotse, nag-iiyak at ayaw sumama ni Jovit sa kanyang anak. Walang nagawa ang pobreng binata, kahit labag sa kanyang kagustuhan, kung hindi ang sumama sa kanyang ama. Agaw-eksena pa nga raw ang drama ng mag-ama. Ayaw kasing tumigil sa kaiiyak itong si Jovit at nagpipipiglas. Hinayaan na lang ng kampo ni Gov. Vi na makaalis ang mag-ama.
Ang nakatutuwa kay Jovit, ganoon na lang ang paghingi niya ng despensa sa naging behavior ng kanyang ama. Taos-puso rin siyang nagpasasalamat sa kanyang mga fans na sumuporta sa kanya. Ganoon din kay Ate Vi.
Kung bibigyan ng pagkakataong maging artista si Jovit, pangarap niyang makasama si KC Concepcion. Wish din niyang maka-duet sina Arnel Pineda at Sarah Geronimo at makasama ang dalaga sa isang teleserye.
Sa init ng pagtanggap ng publiko kay Jovit, walang dudang tatanghalin siyang Superstar like Nora Aunor. Siya ang male version ni Ate Guy, small but terrible pagdating sa boses.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield