AT 50 now, Joy Viado said that she welcomed her golden age with a party.
“Nag-celebrate kami ng mga anak ko. May surprise party sila sa akin. Tinanggap ko siya (turning 50) nang maayos,” chika ni Joy matapos siyang gumanap na Petunia sa isang monologue na bahagi ng Tatlong Yugto, Tatlong Babae written by Palanca awardee Liza Magtoto.
Halos malunod ang mga tao sa katatawa sa role ni Joy bilang cougar na mahilig sa mga dance instructors.
“Ako talaga ‘yun. Nakaka-relate talaga ako. Hindi ako nahirapan kasi parang naglalaro lang ako, kasi ‘di ba luka-luka ako? Alam ko ang mga DI (dance instructors). Ang saya-saya lang.”
Ang Tatlong Yugto, Tatlong Babae was written for naFlora Feminine Hygiene Wash and Think+Talk Creative Communication’s Protect Your Own: Empowering Women campaign and was staged at Teatrino in Greenhills. Kuwento ito ng tatlong babae na may iba’t ibang hinaing sa buhay.
After the monologues, merong small talk ang obstetrician-gynecologist na si Dr. Ma. Lourdes Escobar about feminine hygiene.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas