A BOTTLE of 500 ml Coke every lunch. Ang nakagawian nang inuming ito ng singer-comedienne na si Joy Viado has worsened her acquired diabetes.
May 2 nang na-confine si Joy sa Chinese General Hospital due to an infected wound in her leg. Balitang nanganganib siyang maputulan ng paa, na sinang-ayunan naman daw ng kanyang anak.
Her doctors, however, recommend that she undergo a more sophisticated medical procedure called “hyperbaric”, kung saan isisilid siya sa parang spaceship daily for 20 sessions. Each session costs P6,000. This will save her leg from being amputated.
Aminado si Joy na katigasan na rin daw ng ulo niya ang dahilan kung bakit lumala ang noo’y inakala lang niyang simpleng sugat na basta na lang daw sumulpot from nowhere. While her friends relently advised her to seek medical attention, pinabayaan lang daw niya ito.
Isa nga raw sa mga unang tumugon sa kanyang kundisyon ay si Kim Atienza. Ang inakala ni Joy na isang drawing lang daw surprised her one day at the hospital kung saan personal siyang dinalaw ni Kim.
In the works na rin ang kanyang Jam for Joy benefit show on May 31, kung saan ipagpapaalam daw ni Joy sa pamunuan ng CGH kung maaari muna siyang pumunta roon saglit.
Realizing she’s a good soul, after all, with the outpouring of love and support from friends and colleagues ay hindi napigilang umiyak ng babaeng payaso na nakasanayan na nating panoorin.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III