MARIING ITINANGGI NG tween star na si Joyce Ching na may relasyon sila ng kanyang ka-loveteam na si Kristoffer Martin.
Marami kasi ang nakakapansin na may identical watch ang dalawa na sign daw ng pagiging mag-on ng mga ito, na mariin namang pinabulaanan ng Tsinitang young star.
Ayon kay Joyce, regalo n’ya raw ‘yun kay Tun-Tun (tawag nito sa binata) noong 2010 Christmas, at wala raw ibig sabihin ng pagkakapareho nila ng watch. Nakatuwaan lang daw nito na magkaroon sila ni Kristoffer ng parehong relo na kanilang sinusuot ‘pag magkasama.
At dahil absent si Kristoffer sa presscon ng movie version ng kanilang teen show, dahil may mid-term exam ito sa San Beda, hindi suot ni Joyce ang nasabing relo. Aminado naman si Joyce na masaya siya kapag kasama niya si Kristoffer, dahil marami raw silang mga bagay na magkasundo. Kaya naman daw kahit buong araw raw silang magkasama’t magkausap, hindi nila pinagsasawaan ang isa’t isa, pero mabilis na buwelta na nito na magkaibigan lang sila at walang romansang namamagitan sa kanilang dalawa. ‘Yun na!
HINDI NAIWASANG MAIYAK ng isa pang tween star na si Bea Binene sa lakas ng sampal sa kanya ni Syrl Valdez para sa kanyang kauna-unahang pagbibida sa telebisyon with Jake Vargas, sa direksyon ng award-winning director na si Joel Lamangan.
Hindi lang daw kasi isa, kundi maraming sampal ang tumama sa pisngi ni Bea mula sa rehearsal hanggang sa kunan ang nasabing madramang eksena. Pero wala naman daw kasalanan ni Syrl dahil si Bea mismo ang nag-request na totohanin nito ang sampal sa kanya para mas maging makatotohanan at madrama ang kinukunang eksena, na maganda naman daw ang kinalabasan.
At kahit nga raw naiyak ito sa sakit ng sampal ni Syrl, okey naman daw kay Bea dahil nang mapanood nito ang playback ng sampalang naganap, marami ang nagandahan sa naturang eksena. Tsika nga ng mga nakapanood nito na nadala sila sa mistulang makatotohanang confrontation scene nina Bea at Syrl. ‘Yun na!
MATAGUMPAY NA NAIRAOS ang fashion show ng nangungunang kasuotang panglalaki sa makabagong henerasyon, ang Urban Edge, kung saan ilan sa rumampa ay sina John Sarmiento (finalist 100 Candy Cuttie 2011), Mico Varias (commercial/ramp model), Mark Gonzales (ramp model/actor), Kirstey Viray (commercial/ramp model), Rusty Unisa (model/actor) at iba pa na ginanap sa Ever Commonwealth.
Pero ang naging highlight ng nasabing fashion show ay ang pagpapakilala ng celebrity endorser ng nasabing apparel, at member ng Gigger Boys na napapanood sa ASAP Rocks na si Benjamin De Guzman. Nagbigay ng dalawang awitin si Benjamin na labis na ikinasiya ng kanyang mga fans.
John’s Point
by John Fontanilla