HINDI RAW naiwasang kabahan o ma-pressure ng Kapuso Tween Star na si Joyce Ching nang makatrabaho niya for the first time via indie film na Sitio Camcam ang award-winning Director na si Joel Lamangan.
Tsika nga ni Joyce Ching, “Nakakanerbiyos si Direk Joel. Gusto niya, rehearsal pa lang, ginagawa mo na ‘yung gagawin kapag take na. Sobrang nakaor-pressure talaga. Kung ano ‘yung level mo nu’ng rehearsal, kailangan ganu’n din ‘pag nag-take na.
“First time ko kasi siyang nakatrabaho kaya hindi ko alam na ganu’n pala ang gusto niya sa isang artista. Pero enjoy naman akong katrabaho siya. Kasi magaling at mabait si Direk Joel, bukod sa marami talaga akong natutunan sa kanya when it comes to professionalism at pagmamahal sa trabaho.”
Happy nga raw si Joyce dahil walang insidenteng nasigawan siya ni Direk Joel.
“Wala naman po, kasi nu’ng nalaman ko na ganu’n ang gusto niya sa artista na kailangan laging ready, sinigurado ko na lagi akong handa kapag tungtong ko na set, or else alam ko na ang mangyayari. Hahaha!
“Mabait siya pero sinabi nga niya na ayaw niya ng tanga na artista. Gusto niya kapag pupunta ka ng set, alam mo ang gagawin mo. Kaya lahat kami, laging ready kapag dumarating sa set. Magandang training nga ‘yun, kasi naibibigay mo ‘yung best mo, ‘yung 100 percent mo,” pagtatapos ni Joyce.
DOBLE-SAYA ANG nararamdaman ngayon ng isa sa maituturing na pinakasikat na boyband sa bansa, at isa sa pambato ng Viva Entertainment Agency, ang UPGRADE, na binubuo nina KC Martinez, Rhem Enjavi, Ron Galang, Armond Bernas, Miggy San Pablo, Raymond Tay, at Mark Baracael.
Dahil bukod sa katatapos nilang pictorial sa Cardams para na rin sa display ng mga Cardams Boutique, kinuha na rin sila ng MyPhone bilang isa sa mga ambassador ng nasabing sikat na brand ng cellphone sa Pilipinas, kung saan makakasama na nila rito bilang Ambassador ang Teen King na si Daniel Padilla at ang Teleserye King na si Coco Martin. Bukod sa Cardams at MyPhone, endorser din ang UPGRADE ng UniSilvertime, Rescuederm Skin Clinic, at Royqueen Gadgets.
MOSTLY NG winners ng katatapos na Mr. & Ms. Olive C Campus Model Search 2014 ay nais sundan ang yapak ng mga naging artista na sina Hiro Magalona Peralta (1st Mr. Olive C), Jon Lucas (2nd Mr. Olive C) at Joshua Joffe (finalist sa 3rd Mr. & Ms Olive C). Katulad nina Christian Alano, Chester Padilla, Virgilio Pedrena Jr., at ang Mr. Olive C 2014 na si Ryan Paul Artienda.
Maging ang mga winners na girls na sina Clarise Perez, Lyka Dela Cruz, Mhon Therese Menaling ay gusto ring sumabak sa pag-arte maliban kay Ms. Olive C 2014 winner na si Ashleigh Nordstrom na isa nang contract artist ng GMA 7 at nakagawa na ng ilang teleserye sa Kapuso Network bago sumali ng nasabing prestigious beauty pageant.
Hindi naman malayong matupad ng mga ito ang kanilang mithiing makapasok sa showbiz lalo na’t magaganda at guwapo ang mga ito. Plus factor pa ang pagiging winners nila sa Mr. & Ms. Olive C, dagdag pa riyan ang suportang ibinibigay sa mga winners ng CEO/President ng Psalmstre Inc. makers of New Placenta ,Olive C atbp. na si Sir Jaime Acosta.
John’s Point
by John Fontanilla