Tubong-Masbate ang baguhan na si JR Versales. Na discover siya sa Cebu, kung saan isa siyang runway model at estudyante ng Hotel and Restaurant Management.
Matagal na palang gusto ni JR na maging artista. Kaya nga nang dumating ang pagkakataon na i-offer sa kanya ang 2016 MMFF entry na “Seklusyon” where he plays one of the deacons kasama nina Dominic Roque, Ronnie Alonte, at John Vic de Guzman, hindi na siya nagdalawang isip na tanggapin ang project.
“Nang malaman ko kasi na si Direk Erik Matti ang director ng movie, bakit ako tatanggi. Big break na ito sa akin,” kuwento niya sa amin.
Sa katunayan, aminado si JR na Bisaya siya, na ang puntong Cebuano niya, ‘di maipagkakaila noong bagong dating siya sa Manila.
“Pero ngayon, nabawasan na ang punto kong Bisaya,” pagmamalaki niya.
Under contract si JR sa Reality Entertainment nang five years, kuwento niya sa amin. Lucky for him dahil sa unang sultada niya bilang artista, agad ay napapansin na siya.
Sa nag-iisang horror movie sa 2016 MMFF na magsisimula sa December 25, kasama ni JR na ilo-lauch din sa “Seklusyon” ang varsity player ng volleyball ng St. Benilde Blazers na si John Vic de Guzman.
Ang pelikula ay nagkaroon ng world premiere sa 1st International Film Festival & Awards – Macao (IFFAM) na isinagawa last Saturday, December 11, na dinaluhan nina Direk Erik at Dominic.
Kabilang sa pelikulang katatakutan sina Rhed Bustamante na siyang gumaganap na ang peg ay parang mala-Sto. Niño na lumuluha ng dugo, Neil Ryan Sese, Lou Veloso, at Elora Espano.
Reyted K
By RK VillaCorta