NAPAG-UUSAPAN NA ngayon ang napapabalitang bagong sex-comedy film na ang tema ng istorya ay tungkol sa takbo ng pulitika sa bansa, ang Juana C The Movie. Idinaos na kaagad ang press conference nito noong Mayo 8 na ginanap sa Victoria Court sa Pasay.
Matagal na umanong balak ng grupo ni Juana Change na bumuo ng isang pelikulang na ayon sa kasalukuyang takbo ng ating gobyerno, dahil ang advocacy ng grupo ay ang mapagbago ang mga maling sistema ng bansa. Ngayon na lamang sila nagkalakas ng loob na gawan ito ng pelikula at ipalabas, na ayon sa mga nakapanood na nito ay suhestiyon nilang gawin noong kainitan ng eleksiyon.
Minabuti naman ng grupo na magbigay na lamang ng isang special screening noong Mayo 9 sa UP Film Institute at mag-premiere night sa darating na Mayo 28 sa SM Megamall. Katunayan ay nagpahatid naman ng pagsuporta sa pelikula ang ilang mga pulitiko at kanila rin itong panonoorin. Kabilang din umano si Dingdong Dantes sa mga artistang dadalo.
Ang mga casts naman ng pelikula ay sina Mae Paner (Juan Change) na siyang mga pangunahing karakter. Ang ilan pa nilang kasama ay sina Cosmo bachelor hunk John James Uy, Angelina Kanapi, Jelson Bay, Joel Torre, Niño Muhlach, Ronnie Lazaro, Madeleine Nicolas, Soliman Cruz, Malu de Guzman, Angeli Bayani at Annicka Dolonius.
Sinulat naman ito ng multi-awarded playwright at screenwriter na si Rody Vera, at sa direksiyon ni Jade Castro, ang napakagaling na director ng Zombading.
“Ibinuhos na po namin dito sa movie ang alam namin na makapagpapasaya sa mga makapanonood. Sayang nga lamang at ang ilang eksena ay pinatanggal ng MTRCB.”
By Luz Candaba