SINO ANG HINDI makakakilala noon sa telenovelang inabangan ng mga nanonood, sumikat sa mahabang panahon, ang Ula: Batang Gubat?
“Ah, parang bata ka pa, hanggang sa lumaki ka, ikaw at ikaw pa rin. KumbagaiIcon ka na? “Aray ko! Ha-ha-ha! Salamat po, salamat!” Sabi ni Judy Ann Santos.
Ah, kung baga hindi ka na kayang burahin, eh. Pakiramdam ko, ikaw ang pumalit kay Nora Aunor after Nora at Vilma, ikaw na ang sumunod.
KINIKILALA NIYA ANG SIKAT NA NA NAG-IISANG SUPERSTAR
“Siguro po ‘yong kay Ate Guy, wala nang makatatapat. Kasi noong araw, halos hindi na siya makaraan sa kalye, kasi naman phenomenal po kasi talaga si Ate Guy. Hindi po matatawaran ‘yon, pero maidikit lang po ang pangalan ko sa kanya, flattering. At saka nakatutuwa… ikinatutuwa ko po talaga ‘yon, sobra! Hindi naman kasi simpleng tao… ibig kong sabihin, hindi simpleng artista si Nora Aunor, napakalaking bituin! At siya talaga ang Superstar na nag-iisa at opo… talaga po, walang makatatapat.”
PAGKAGISING SA UMAGA
Natawa siya nang nagpakilala akong artist at kakaibang weird. “Ha-ha-ha!”
Ano’ng ginagawa mo pagkagising mo sa umaga? “Ah… unang-una, kukunin ang telepono kasi alarm clock ko rin ang telepono ko. Tsine-check ko kung pinagigising na ba ako… tapos, toothbrush na ako. Madaraanan ko ‘yong santo namin sa bahay maggu-good morning ako kay Our Lady of Manaoag, pupuntahan ko na ‘yong anak ko tapos maghahanda na ako ng baon ni Rye, tapos saka ako maliligo.”
At inamin niya sa akin na gusto niyang maging normal na tao ang kanyang five years old na anak, at ma-enjoy ang kabataan nito at makatapos ng studies, at siyang tanging kayamanan nito at pamilya syempre.
NAIS BIGYANG-KARANGALAN ANG MGA SENIORS NA ARTISTA
“Sana lang po mas mabigyan ng premium ‘yong mga senior stars natin kasi nakalulungkot isipin na itong mga artistang hindi na napapansin ngayon, sila po ang pinagsimulan ng industriya. Sana bigyan sila ng kaunting reputasyon at respeto, kasi mas marami silang pinagdaanan at sila ‘yong mga artista na hanggang ngayon, napaka-propesyunal.”
At pinaalalahan niya ang kabataang artista na mahalin ang kanilang trabaho.
PAYO NG DOKTOR, MAGPAHINGA KUNG PANAHON MABUNTIS
Inamin niyang hindi siya titigil sa pag-aartista. “Siguro may point lang na ‘pag mabuntis ako, at sinabi ng doctor na magpahinga. ’Yon na po, magpapahinga lang muna. Hindi naman po ‘yong ‘pag hinto, hinto talaga. Kung talagang kailangan naman, bakit hindi? ‘Di ba? At saka ang hirap po ng buhay ngayon hindi puwede na basta ka na lang hihinto. Saan ka naman makatitisod ng pera ngayon, ‘di ba?”
Sa likod at wala sa kamera, siyang-siya na talaga… walang pagkakaiba. Bagay na pinatotohanan ko naman nang makaharap ko. Mukhang ‘di nga plastic. Bakit? May mga nakaharap na rin akong plastic at maarte, tila nadadala ng kasikatan at kalausan sa kamera ang ugali. Kung mga sino ‘yun, ako na lang ang nakaaalam. He-he-he! Yaan mo nga sila, buhay nila ‘yun. At alam ba ninyo na sinangag, itlog na maalat, tuyo at kamatis ang paboritong almusal ni Juday! Wow! sarap naman no’n, ah! At alam n’yo bang laging bitbit ang tsinelas niya ‘pag may shooting.
‘PAG GALIT, TAHIMIK AT NAGDARASAL
Paano ka nagagalit? “Tahimik lang po, nagdarasal ako ‘pag nagagalit ako.”
Pero ‘pag nagagalit ka ‘yong mga mata mo, medyo nagti- twinkle. “Depende lang po, ha-ha-ha!”
Kumusta pala si Ryan, ‘yong asawa mo? “Ayos naman po, okey naman kami.”
Paano ka magalit sa kanya, tahimik lang? Ha-ha-ha! ‘Pag nagseselos ka? “Hindi naman ako selosa eh, Maestro.”
Pero, matakot din siya. Ganyan din ang misis ko, bigla na lang akong inupakan, eh! “Ow?! Ha-ha-ha-ha!” Bunghalit ng tawa ni Juday, pati ng mga alalay niya. “Salamat, salamat ! Maraming salamat! Good luck sa career n’yo bilang painter.” Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Master Orobia