ANG TAGAL nabakante ni Judy Ann Santos sa paggawa ng pelikula.
Kung tama ang alaala ko, ang huling pelikula na ginawa niya ay ang Cinemalaya entry na “Kusina” which was shown two years ago. Aminin man niya o hindi ay flopsina sa takilya ang pelikula dahil hindi ito ang klase ng materyal na inaasahan ng mga tagasubaybay at supporters niya.
But I’m sure, sa pagbabalik pelikula niya via the comedy film Äng Dalawang Mrs. Reyes ni Direk Jun Robles Lana ay sigurado ako, ito ang magiging super like ng mga fans niya lalo pa’t out-of-the-box ‘ika nga ang role ni Juday bilang misis ni Joross Gamboa na lingid sa kaalaman niya ay isa palang bading.
Kuwento ng aktres: “Kasi ‘yung mga past Indies na ginawa ko, lahat mabigat Gusto ko na something refreshing. And 2017 for me was such a roller-coaster ride. Ako kasi, I was really looking for a material na would challenge me to go out of my comfort zone. Kasi for the longest time, I’ve been doing films na, ‘yung umiiyak.”
Para maiba, hindi nagdalawang-isip ang aktres nang i-offer sa kanya ang role as Lianne kung saan makakasama niya as the other Mrs. Reyes si Angelica Panganiban as Mrs. Cindy Reyes na asawa naman ni JC de Vera na within ay isa pala tagong “Beks”.
Kuwento pa ni Juday sa media during the grand presscon: “Alam na ng mga tao ‘yung ginagawa ko talaga. Tsinallenge ko ‘yung sarili ko. 2017 should be something different. Bago man lang ako mag-fourty, kailangang gumawa ako ng pelikulang hindi ko maiisip na gagawin ko, ‘yung magdadalawang-isip akong tanggapin, pero dahil masyadong maganda ‘yung materyal kailangan ko siyang oohan.”
Sana nga raw ay noon pa niya ginawa ang mga tipong kakaibang role na hindi tayo sanay na mapanood siya sa mga pelikulang tulag ng obra ni Direk Jun.
”Napaisip ako. Ginawa ko talaga ito na may anak na ako, may asawa na ako, ‘yung ganun. ‘Yung lahat ng dapat ginawa ko nung dalaga ako, ngayon ko siya ginawa,” sabi niya.
Isa sa reason kung bakit napa-oo siya sa project dahil nagustuhan niya ang script. Pagkukuwento pa niya: “Ganun kahusay ‘yung script. Ano siya kasi eh, masaya siya. And at the same time, hindi mo talaga iisipin na, “Ay, puwede palang ganun. But the story alone, hindi siya ‘yung bago, pero hindi pa nakikita ng tao sa pelikula.”
Sa pagkukuwento ni Juday about the film, I’m sure laugh trip ito para sa mga manonood. Samahan ba naman ng loka-lokang si Angelica, kakaiba nga ito.
Sa Wednesday, January 17 na ang palabas ng Ang Dalawang Mrs. Reyes mula sa Star Cinema at Idea First Company.
Reyted K
By RK Villacorta