AKTIBO NGAYON si Judy Ann Santos sa kanyang advocacy na makatulong sa mga kababaihan.
Bahagi siya ng isang grupo na nagtuturo ng isang form of martial arts sa mga kababaihan para makatulong na protektahan nila ang kanilang mga sarili sa pananakit, pag-atake, at iba pang kapahamakan.
Kaya nga mula nang mapag-aralan niya ang Krav Maga (remember her teleserye sa Kapamilya Network kung saan isa siyang battered wife ni Sam Milby?) na ayon sa Wikipedia ay halaw sa iba’t ibang form and discipline ng martial arts tulad ng Muay Thai, Judo, Jujitsu, at Wrestling, sa March 14 ay magtuturo sila ng mga kasamahan niya sa mga kababaihan ng Krav Maga. Ang event na gagawin sa Amoranto Stadium along Roces Ave in Quezon City na magsisimula ng 1:00pm ay libre.
“Tayong mga kababaihan, we need to protect ourselves. It’s a self-defense para anytime na may mga taong gustong manakit sa atin, p’wede natin silang talunin. Krav Maga teaches you the weak points ng kalaban mo para doon mo sila ia-attack,” paliwanag ni Juday.
On the lighter side, anytime next month (March), magsisimula na rin si Juday ng kanyang bagong teleserye para sa Dreamscape Entertainment para sa Kapamilya Network with Richard Yap, aside from the fact na sila ni Ryan Agoncillo bilang isang positibong pamilya ay busy naman sa pagpo-promote as MTRCB endorser sa bagong infomercial ng government agency to protect a child sa values of a positive family. Ang naturang MTRCB project nila ni Ryan ay dinirek ni Joey Reyes at nagsimula nang napanood sa mga telebisyon, cable networks, and sinehan last February 25.
Reyted K
By RK VillaCorta