HINDI MAN KAMI naka-attend ng press launch ng Purefoods Tender Juicy Hotdog nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, pero marami kaming chika na nasagap tungkol sa mag-asawa.
Tinanong ang actress kung may balak agad silang sundan ang one year old baby nilang si Lucho. Unang sumagot si Ryan, sumiseksi raw ang kanyang misis na biglang sulyap kay Juday. Hindi na ito nag-elaborate pa, pero may posibility na puwedeng agad masundan si Baby Lucho. Dugtong naman ni Juday, hindi raw nila napag-uusapan ni Ryan ang tungkol sa bagay na ‘yun. Basta raw bigla na lang kung maramdaman nila.
HINDI PALA PROBLEMA kay Judy Ann kung sakaling mabuntis ulit siya. Kung mangyayari, mangyayari raw ‘yun.
Hindi raw niya hawak ang puwedeng mangyari. Kung gusto ni Lord na magkaroon uli sila ng baby, ibibigay niya ‘yun in the right time. Kung mabuntis uli ang actress, it’s a good sign dahil kaya pa nilang buhayin at mabigyan ng magandang buhay ang susunod nilang baby. Sa ngayon daw, okay na sila with two kids (Yohan at Lucho), pero kung masusundan uli si Lucho, okay sila dahil swak sa quota nila ang tatlong bata.
May nagtanong pa nga raw kung ano ang pagkakaiba ng hotdog ni Ryan sa ibang hotdog. Biglang natawa ang mister ni Juday pati ang media, kasi naman may double meaning ang hotdog, ‘di ba? Kung bibigyan mo ito ng malisya, iba ang mai-imagine mo. Siyempre, mas meaty tender at juicy ang hotdog na ini-endorse ng TV host at pamilya nito compared sa ibang hotdog. Tama po ba ako, Mr. Noel Ferrer?
ANG 7101 MUSIC Nation ay brainchild ng tatlong music aficionados na sina Maestro Ryan Cayabyab, Julio D. Sy, Jr. at Twinky Lagdameo. Ang kanilang goal is to build platforms that will gather Filipino artists and musicians and promote the sharing of ideas and talents to further uplift Filipino musicality and artistry. Project ng grupo, ang 2nd Elements National Singing & Songwriting Camp.
Papaano nga ba para maging member ng “Elements”? “Kung songwriter ka, kailangan mong i-upload ang sarili mong likha. Siguradong original ka, wala kang ginaya at hindi ang may-ari ay ibang tao, ‘yun. Pangalawa ‘yung sa singer, puwede mo lang awitin OPM (Original Pilipino Music). Sa Music Camp, ‘yung boses ang habol namin. ‘Yung creative writing ang hinahanap,” paliwanag ng batikang composer.
Is there any cash prize? “Walang prize, ‘yung prize d’yan ay makasama, maging parte nu’ng camp na ‘yun. Ang makakasama natin sa songwriting na magtuturo ay sina Gary Valenciano, Noel Cabangon, Joey Ayala, Louie Ocampo, Raymund Marasigan ng dating Eraserheads, Jim Paredes at ako.
Para naman sa mentors ng singing, may inimbita kami para magturo ng technicals. Pero may inimbita rin kaming mga professionals na magbabahagi ng kanilang experiences tulad ni Dulce, Jett Pangan, Aiza Seguerra at Jed Madela.
Hopefully lang, hindi matuloy ‘yung kanilang tour sa ibang bansa. Sila ang nagsabi na gusto nilang sumama. Hindi lang ito kantahan at sulatan ng awitin, importante rin na maturuan namin sila kung papaano pumasok sa business na ito at kung papaano ba magtagal.
Ano ba ang objective? For example, inimbita namin ang isang manager, si Angeli Pangilinan, upang sabihin niya kung ano ‘yung mga importanteng kailangang malaman ng gustong pumasok sa industriya bilang mang-aawit,” mahabang paliwanag ni Maestro Ryan.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield