Gusto ring ulit makatrabaho ng “Kusina” lead actress na si Judy Ann Santos si Charo Santos na sa Esperanza pa raw niya huling nakasama.
“Ang tagal na, ‘di ba? Nung time kasi after ng Esperanza , peak kasi ng pagiging president niya (ng ABS-CBN). Pero kung puwede lang naman. Kung hindi keri, okey lang din. Ayoko naman siyang i-pressure.”
Eh, how about Cong. Vilma? Kelan naman kaya sila makagagawa ng pelikula?
“Merong tamang project na darating sa tamang pagkakataon. Hintayin ko na lang ‘yon. Hihintayin ko na lang. Hopeful ako na makakagawa pa rin ako ng pelikula with Ate Vi,” sabi ulit niya.
Sa mga director naman, umaasa siyang mabibigyan din ng pagkakataon na maidirek nina Olive Lamasan, Lav Diaz, Jerold Tarog, at Brillante Mendoza.
“Siyempre, ‘pag may nababalitaan ka about them, meron kang parang curiousity na paano kaya sila makatrabaho, kailan ko kaya sila makatatrabaho, may maganda kayang project for us? Palaging may question na ganu’n.
“But I’m not rushing things, kung kailan ‘yon. Naniniwala ko na it will come. Gusto kong manggaling sa kanila, ‘yung may maisip silang project na, ‘Ay, maganda kay Judy Ann ito.’ Ayokong i-push ‘yung sarili ko sa kanila kasi baka maging malasado,” sabi pa ni Juday.
Samantala, magsisimula ang 12th Cinemalaya Independent Film Festival sa Aug. 5 at magtatapos on Aug. 14.
Ang Kusina ay magkakaroon ng 25 screenings at ang first screening will be on Aug. 6, 10 a.m., sa Cultural Center of the Philippines (CCP).
La Boka
by Leo Bukas