BALIK-TELEBISYON ang actress na si Judy Ann Santos matapos ang mahigit isang taong pamamahinga dahil sa kanyang panganganak.
Muling magbabalik sa telebisyon ang tinaguriang Young Superstar na si Judy Ann Santos upang ipagpatuloy ang pagho-host sa ikatlong season ng “Bet On Your Baby” sa ABS-CBN.
Napilitang magpahinga ni Juday dahil sa pagsilang sa kanyang bunsong anak na si Luna, kasabay ng pagkabinbin sa mga proyektong nakatakda niyang gawin tulad ng teleseryeng “Someone To Watch Over Me” kasama si Richard Yap.
Sa isang panayam kay Juday kamakailan, excited na raw siya sa kanyang TV comeback, lalo’t malapit sa puso niya ang naturang show.
“Finally, I’m back to work again. Sobrang thakful ako sa lahat, and beside, sa ganitong show lang naman ako puwedeng i-glam. Napahinga ako for more than a year, so I’m so happy,” sabi ni Juday.
I’m sure matutuwa ang mga tao, lalo na ang mga bata ‘pag nakita nila muli at napanood ang aming show,” sey pa niya.
May bago bang aabangan o bagong segment sa show?
“Alam ko meron at mas pagagandahin pa namin ito para sa mga tumangkilik ng aming show before,” tugon ni Judy Ann.
Erika Mae Salas, Sarah Ortega, at Rayantha Leigh, nagpakitang-gilas sa concert ni Gerald Santos
NAGSAMA sa isang production number sina Erika Mae Salas, Sarah Ortega, at Rayantha Leigh sa concert ni Gerald Santos entitled “Something New in My Life” noong Linggo, April 9, sa SM Skydome .
Isang malaking production number ang ginawa ng tatlong bagets para sa nasabing concert na napanood ng kani-kaniyang supporters.
Bungad ni Teen Pop Doll na si Erika Mae, “Isa pong malaking achievement ito na nakasama ako sa concert na ito”.
Kamakailan lang, nakatanggap ng award si Erika Mae bilang Outstanding New Talent in Entertainment in Global Pinoy Web Radio Awards 2017. Pero bago pa man niya natanggap ang award na iyon, nauna na niyang natanggap ang Dangal ng Bayan Most Outstanding Teen Pop Artists sa 35th Seal of Excellence Consumers Quality Award, sinundan naman ito ng World Excellence Japan-Philippines Award – Young Achievers 2017 bilang Most Outstanding Teen Pop Artist.
Masayang-masaya si Erika para sa takbo ng karir niya dahil sa dami na rin ng oppurtunities na natanggap niya.
Hindi naman patatalbog sa achievement ang The Millenials Class Empress na si Sarah. Nakatanggap na rin siya ng awards bilang Most Outstanding Teen Pop Artist, Outstanding New Talent in Entertainment in Global Pinoy Web Radio Awards.
Kamakailan, umani naman ng likes, shares, at magandang feedback ang kanyang single na “Unchanging Heart” sa YouTube. Dahil dito, mas lalo siyang na-inspire na magsikap at tumutok sa kanyang craft para makamit niya ang munting pangarap.
Si Rayantha naman ay tinatapos na ang kanyang debut album. Very soon ay lalabas na rin ang self-titled debut album.
“Ang album ko po ay mixed genres, may disco, ballad, pop-rock. Pero mas comfortable po ako sa pop-rock,” pagbibida ni Rayantha.
Dugtong pa niya, “Bale one song na lang po ang kulang, ‘yun pong ‘Laging Ikaw’ ni Sir Kedy Sanchez at mabubuo na ang album. Actually, ang carrier single niya, either ‘yung ‘Tuksuhan’ or ‘Nahuhulog’, we can’t decide pa po. Iyong ‘Tuksuhan’ ay revival po iyon, dating song ito ni Lindsay Custodio. Pero nilagyan ng bagong timpla po ito, hindi na siya disco, bale ginawa na pong pop-rock at makabagong tugtog na pang-teens.”
Si Rayantha Leigh ay mapanonood din sa mall show sa Robinson’s Antipolo sa May 19 at sa Mangatarem sa Pangasinan sa May 27.
Sina Erika Mae Salas (Teen Pop Idol), Sarah Ortega (The Millenials Class Empress), at Rayantha Leigh (The Music Darling) ay kapwa Erase teen ambassadors. Sila ang bagong mamahalin at iidolohin ng bagong henerasyon. Pak!