NAKATAKDANG IDIREK SI Judy Ann Santos ng premyado at multi-awarded director na si Marilou Diaz-Abaya ngayong 2010. Presscon pa lang ng OMG! Nina Judai at Ogie Alcasid last year sa Regal ay naikuwento na niya ito sa amin, and Judy Ann was excited dahil first time niya ito to work with Direk Marilou.
Nu’ng birthday ng manager ni Judai na si Tito Alfie Lorenzo last January (weeks before siya naospital), kinumpirma ito ng beteranong manager. May working title na Ina, ang Judai-Direk Marilou film ay tipong tribute sa Our Lady of Peñafrancia, na may April target shooting at showing ng buwan ng September.
And just last Friday sa Imperial Palace, habang nagkukuwento si Tito Alfie na his health is okey at hindi siya nagkaroon ng major na karamdaman mula pa noong araw, may update chika ang manager – baka raw hindi na si Ryan Agoncillo ang makasama ni Judai sa Peñafrancia movie, dahil hindi kalakihan ang role ng leading man.
“Puwede na siguro ang ibang actors, hindi pa sure si Ryan, dahil sayang naman kung hindi full length ang role. May plano rin si Mother Lily (Monteverde) na pagsamahin sina Judai at Ryan sa Regal. Mag-uusap pa kami,” say ni Tito Alfie.
Good news ito sa solid Judai fans dahil multi-awarded director ang isang Marilou Diaz-Abaya. Isang celebration ito, kung tutuusin, dahil sa prestigious body of work ni Direk Marilou, napakasuwerte ni Judai na siya ang aktres na makakatrabaho nito, na very choosy pagdating sa pelikula.
Sinasabing si Direk Marilou ay isa sa Asia’s most important filmmakers. Ginawa niya ang award-winning films tulad ng Brutal (Amy Austria), Karnal (Charito Solis), Alyas Baby Tsina (Vilma Santos), Muro-Ami, Jose Rizal, at Bagong Buwan (all starring Cesar Montano). Mabigyan din kaya ni Direk Marilou ng best actress award si Judai?
Samantala, patuloy na rumaratsada ang Habang May Buhay teleserye ni Judai sa ABS-CBN. Nakakaloka ang confrontation scenes nina Judai at Gladys Reyes, dahil kung noong Mara Clara days eh, api-apihan si Judai, ngayon ay palaban na siya, huh!
Mahigit dalawang taon din namang hinintay ni Judai ang makabalik sa primetime block ng Kapamilya network, and worth the long wait naman for her ang Habang May Buhay dahil good ratings ang nakukuha nito, in fairness, ‘no!
SEEMS LIKE TULOY na tuloy na ang pag-arangkada ng TV5 sa mga susunod na buwan ngayong 2010, ngayong under Mr. Manny V. Pangilinan na ang said Number 3 network.
Tulad ng nasulat namin dito last week, kumpirmado na ang paglipat ni Cristy Fermin sa TV5, dahil a couple of days ago ay pumirma na ito ng contract dito, for two shows – isang Sunday afternoon showbiz talk show,at ang reformatted na Juicy na daily pa rin. Ang dating hosts na sina Alex Gonzaga and IC Mendoza will stay as field reporters.
Well, dalawang bonggacious na “Ricky’s” din ang nakuha na ng Singko – sina Ricky Lo at Ricky Lee!
Yep, “maganda ang offer” ang dahilan ni Tito Ricky Lo kaya siya napapirma for a talk show for TV5 na pagsasamahan nila nina Ryan Agoncillo and Georgina Wilson (ex-gf of Richard Gutierrez). Babu na siya sa Startalk ng GMA-7.
Samantala, sa film outfit naman ng TV5 umano pipirma (o nakapirma na?) ang beteranong scriptwriter na si Ricky Lee. Studio 5 ang sinasabing magiging pangalan nito, at plano raw mag-produce ng more than 3 films ngayong 2010.
Malamang, sa creative department ng Studio 5 si Tito Ricky Lee. At kung hindi kami nagkakamali, pasok din dito si Ms Roselle Monteverde-Teo, anak ni Mother Lily, as an executive.
For comments, please e-mail us at [email protected].
Mellow Thoughts
by Mell Navarro