Judy Ann Santos, binago ng sariling teleserye

KUNG KAILAN ko nagustuhan na ang tele-seryeng Huwag ka Lang Mawawala ng Kapamilya Network, ngayon pa sila nag-decide na putulin sa ere ang palabas, kung saan bida sina Juday Ann Santos kasama sina KC Concepcion at Sam Milby.

Sa darating na Biyernes na ang huling palabas nito na almost two weeks earlier mag-ending gayong one season (13 weeks) dapat ang usapan na magtatagal ang palabas.

Sa araw-araw kong panonood, nahu-hook na ako. Sa katunayan, ito lang yata kung hindi ako nagkakamali ang kauna-unahang teleserye sa telebisyon na may advocacy para pangalaan ang karapatan ng mga kababaihan at mga bata.

Dahil sa serye, nabago ang pananaw ni Juday na ang simpleng may bahay na tulad niya na misis ni Ryan Agoncillo at anak nila, naitawid ang aktres sa isang bagong yugto ng buhay niya na isa sa mga advocates ng Voilence Against Women and Children.

Si Juday na dramatista. Si Juday na sa isang iglap ay puwedeng magpatulo ng luha niya sa kaliwa o sa may bandang kanan sa bawat dikta ng kanyang director ay iba na.

Iniba siya ng teleserye niya na ang konseptong iiwanan niya sa ere ay dala-dala na niya habambuhay.

Aminado si Juday na may tampo siya sa produksyon pero ang karanasan niya para gawin ang karakter ni Aneesa na isang babaeng lumalaban para sa kanyang karapatan at sa karapatan ng kanyang anak ay isang mahalagang bagay na natutunan niya.

Actually, iba na ngang magsalita si Juday. Hindi na siya pa-tweetums sa mga tanong sa kanya. Pinanday siya nang husto at lalong namulat sa advocacy na inilalaban ng buong mundo na maging siya ay personal na rin niyang advocacy ito kahit matatapos na ang teleserye.

Iniba si Juday ng Huwag Ka Lang Mawawala. Sa pagbabagong ito, maihahanay na rin marahil siya sa mga mga prominenteng mga kababaihan tulad ng dating Kongresistang Rissa Hontiveros at si Mrs. Edith Burgos, ina ng dinukot na aktibista na si Jonas, na parehong nag-endorse ng teleserye, na kapareho na rin niya ng mithiin.

Openly sinabi ng aktres na hindi lang pang-teleserye ang paniniwala niya at sinimulang ipaglaban. Itatawid na rin niya ito kahit off-camera. “I will support the cause. I believe in the advocacy,” sabi niya.

Si Juday, hindi lang asawa, ina, anak, artista, kundi isa na ring aktibista na ipaglalaban ang wasto at kung ano ang pinaniniwalaan na niya.

Kapatid ni Gerald Anderson, kasa-kasama sa grupo ng company ‘B’

 

KAPATID BA ‘yun ni Gerald Anderson? Ipinakilala kasi ng isang baklang mujerista si Alex, sinasabing brother ng guwapong aktor sa amin sa isang showbiz party kamakailan.

Sa unang tingin, walang duda, kapatid nga siya ni Gerald. Pareho ang hitsura nila. Mas tangkad nga lang itong ipinakilala na si Alex at mas bulto kung hindi man may konting baby fats.

Sa pagpasok ng binata, look bigla ang mga beki. Akala nga nila si Gerald ‘yun. ‘Yun pala, hindi.

Sa mesa sa umpukan namin pinag-uusapan kung bakit kasa-kasama siya ng grupo ng tinatawag na Company B (dating clothing brand in the 80’s) na ang mga beki at mga taga-showbiz na lang ang nakakaintindi.

Tanong ko sa isang kasamahan sa panulat kung sinusuportahan ni Gerald ang pamilya niya, lalo na ang sinasabing kapatid niya na minsang sumali sa pa-contest ng TV5, ang Artista Academy, na sa simula pa lang ay sumabit na. In short, talunan na, “Oo naman supportive siya. Pero magtataka ka kung bakit ganu’n ang image ng kapatid niya.”

Pero between Gerald at ang sinasabing kapatid niya named Alex, mas guwapo si Gerald. Ang layo ng itsura ng kapatid niya kung totoong kapatid niya ‘yong binatang ipinakilala sa amin.

Si Gerald, kahit madumi ang itsura sa poster ng bago niyang pelikulang OTJ, guwapo pa rin. Mas nakadagdag pa nga ng kanyang sex appeal sa hitsura niya sa poster na bruskong-brusko. Machong-macho.

Sayang nga lang at nagmamadali ang aktor makaalis sa presscon ng pelikula niya with Piolo Pascual.

Marami pa naman mga beking naghihintay ng isasagot niya kung siya ‘yong nasa litrato na nagkalat sa internet na hawak-hawak niya (eksenang jumi-jingle) ang kanyang matigas na sandata.

Hmp! Sayang ang chance, huh!

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleOgie Alcasid, P1-B ang TF sa Singko!
Next articlePinoy Parazzi Vol 6 Issue 105 August 19 – 20, 2013

No posts to display