PINAIIRAL PA rin ng isang TV station ang kanilang selective invitation sa mga gusto’t kadikit lang nilang entertainment writer na pinadalhan nila ng paanyaya sa kanilang pa-Christmas party, irrespective kung ang inetsa-puwera nila’y mas pinakikinabangan pa ng network.
Obviously, hindi ‘yon isang cost-cutting means, kundi pamemersonal na sa pagkatao ng mga reporter na ayaw lang nilang imbitahan for one reason or another.
Alam kaya ito ng pamunuan ng network, o tanging ang departamentong Corporate Communications lang nito ang nagdedesisyon sa selective invitation?
Dahil blind item naman ito, choose which of these TV stations adopts this discriminatory practice: a.) ABS-CBN; b.) TV5; c.) GMA.
SPEAKING OF the three major TV networks, the first to have thrown a party for the press ay ang TV5. Ginanap ito sa bulwagan ng Centris na may Pinoy motif consistent with the buffet.
Unlike TV5’s previous Christmas parties, sinabik ng Happy Network ang press with its non-announcement ng mga aabangang programa nito sa 2015. Basta marami raw pasabog ang TV5.
Talk about pasabog. Wearing a yellow collared shirt with an ABS-CBN logo, that matched his yellow cigarette case tied across his body and yellow Crocs ay na-“parazzi”-han namin si Alfie Lorenzo getting off his car.
Bungad namin sa pamosong talent manager (whose reported rift with his ward Judy Ann Santos that was bannered sa diyaryong ito, myself as the writer), “Kuya Alfie, try mo namang magdilaw, bagay sa ‘yo.”
To which ang mabilis at matalino niyang sagot, “Kulay ng tanga!” Hindi namin agad napik-up ang kanyang sagot, that had a political flavour pala. “Eh, kung ‘di ba naman tanga, ‘yung ibang mga in-appoint ni P-Noy, mga tanga!”
Political or otherwise, Kuya Alfie—a dear friend since 1990—can discern if a person is tanga or not. At sa usapin nga involving Juday and their tiff, his intellectual discernment prevails.
Vinalideyt nga ni Kuya Alfie ang aming inilabas dito sa Pinoy Parazzi that their gap has yet to be resolved, that stemmed from the actress’s no mention of his name para pasalamatan at a shoot for an ABS-CBN material.
All that Juday acknowledged were her mom Carol and her Yaya Binay. “Teka, nasaan ba ang nanay niya nu’ng eight years old pa lang siya, at si Kuya Jeffrey niya ang nagtaguyod sa kanilang magkapatid sa tulong ko? Kesyo, binasa lang daw ni Juday ‘yung fineed ng writer kasi ang dapat daw talagang pasalamatan, eh, mga nanay? Mga nanay, bakit? Nanay ba niya ang Yaya Binay niya?!”
Pagkukumpara pa ni Kuya Alfie, “Bakit si John Lloyd (Cruz), pinasalamatan niya ‘yung alalay, o handler ba niya ‘yon, na bading? Nanay ba ‘yon ni John Lloyd?”
But Juday’s no mention of Kuya Alfie’s name—deliberate or otherwise—wasn’t the proverbial straw that broke the camel’s back, ‘ika nga.
Did money have anything to do with it? If so, magkano ang halagang involved?
Na-bypass ba ang manager sa kung anumang business transaction na pinasok ni Juday without his knowledge? Dahil sa away sa kanilang pagitan, was there any chance na mag-usap to iron out the creases?
Sorry for the lack of space, the answers in our Friday column.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III