NAUNA SI Judy Ann Santos na nag-ere ng kanyang game show for babies sa Kapamilya Network. Kung hindi ako nagkamali, noong September or October nagsimula ang show.
Kitang-kita kung gaano kasaya si Juday kapag hinu-host niya ang Saturday game show niya para sa mga bulilit.
Noong Saturday, nagsabay ng airing ang show ni Juday sa Kapamilya Network at ang bagong game show ng mister niyang si Ryan Agoncillo sa kalabang istasyon (‘yong sa kanto na katabi ng MRT Kamuning Station).
Tuloy, hindi maiwasan na dahil sa pagkakataong ito na isipin ng tao kung bakit pinagsasabong ang mag-asawa gayong happy sila at hindi dapat pagsabungin kahit sabihin na hiwalay ang trabaho sa personal nilang concerns.
Kahit saang angulo mo man tingnan, in bad taste ito na tuloy iisipin mo, ginagamit si Ryan ng kanyang istasyon para pataubin ang show ng misis niya na kasabay ng show niya.
Masaya ang pagsasama ng mag-asawa. In short, happy family sila. Namumuhay na matahimik at walang intriga kahit both are very active sa showbiz. Hindi nila pinaghahalo ang showbiz sa trabaho.
But this time sa bangayan ng shows nila, bahagi kaya ito ng sinasabing network war na malamang madadamay (kahit hindi sinasadya) ang buhay ng bilang mag-asawa.
Professionally, nagsimula na ang bangayan ng dalawa last Saturday at sana, huwag umabot ang rating war at dala-dala nila ito after the show at iuuwi sa kanilang bahay.
As of this writing, hindi pa namin nakakausap ang manager ni Ryan na si Noel Ferrer to shed light on this.
OKEY NA sana nang sabihin ng office ni Batangas Gov. Vilma Santos na hindi siya makararating sa 1st Tanauan Batangas Dragon Boat Festival noong Sabado ng umaga sa dalamasigan ng barangay Wawa at Boot sa Tanauan sa pamamagitan ng imbitasyon ni Mayor Thoy Halili.
Nang malaman ng mga in-charge sa pag-iimbita ng mga guest na hindi puwede si Governor Vi sa araw na ‘yun at nasa Amerika siya (tulad sa idinahilan sa kanila), nalungkot ang mga taga-Tanauan lalo pa’t maganda sanang promotion ito sa turismo ng bayan. Pero oks lang sa constituents ni Gov. Vi dahil naintindihan naman nila. Nagbabaka-sakali lang sila na sana makapag-grace si Ate Vi sa kanilang okasyon.
Pero noong umagang ‘yun, tila nagkabukingan. Dumating ang Provincial Tourism Officer ng Batangas para dumalo sa event. Nang tanungin siya about Gov. Vi kung si Governor ay natuloy sa isang out of the country trip (USA); nagulat ‘yong taga-Tourism na parang nagtataka. “She’s just here,” wika niya sa ilang mga town officials na sumalubong sa kanya at nag-asikaso.
In short, nabuking na si Ate Vi and your Batangas Governor ay andito lang pala sa ‘Pinas at tinanggihan (kung ano man ang rason ni Ate Vi) ang imbitasyon para dumalo sa isa sa malalaking event ng kanyang lalawigan that can help Tanauan City at ang mga taga-roon kung sakaling mag-click ang naturang event na planong gagawin on a yearly basis.
Tuloy, naikumpara si Gov. Vi at si Gov. Joey Salceda of Albay na ‘di hamak na kakain ng alikabok si Ate Vi sa bilis, sipag at debosyon sa kanyang trabaho at paglilingkod sa kanyang mga kinasasakupan.
Tuloy tanong sa amin ng isang kaibigan, “Sinu-showbiz ba ni Gov. Vi ang invitation? Kung kailan lang niya gustong umapir o ayaw lang niyang magising nang napakaaga dahil ala-sais pa lang nagsimula na ang programa?”
BUKAS NA ang birthday celebrating ng guwapong si Michael Pangilinan.
At sa kanyang celebration, magkakaroon ng fundraising concert ang binata na tinaguriang “Bagong Kilabot ng mga Kolehiyala” na dati’y tawag kay Hajji Alejandro na gagawin bukas, Tuesday sa Zirkoh-Morato na pinamagantang 18MPH (Music in Perfect Harmony) kung saan ang part ng proceeds ay mapupunta sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa Iloilo.
One thing nice about the concert, ang daming supporters ni Michael na magpe-perform “gratis” para sa kanyang kaarawan at kabilang na rito si Allan K. na personal na-nag volunteer na mag-guest siya sa show.
This year Michael launched his first music CD na produced ni Vehnee Saturno and Jobert Sucaldito (his manager) na released by Star Records.
Personally, like ‘ko yong awitin ni Pabs Dadivas (kasabayan nina Haddji at Basil Valdez) na Kung Sakali na ni-revive ni Michael para sa kanyang CD.
Reyted K
By RK VillaCorta