NAGSIMULA NA PALANG mag-shooting si Vic Sotto ng pelikulang entry nito sa Metro Manila Film Festival.
Nakunan ng Startalk ang first shooting day nila ng bagong ka-partner niyang si Gwen Zamora.
Bagong talent ito ng GMA Artists Center na image model na rin ng Belo Medical Group.
Sa ganda ng mukha nito ay puwede talaga siyang maging star at bagay na bagay sa role bilang Faye ni Enteng Kabisote.
Siyempre hindi na puwede si Kristine Hermosa dahil malapit na nga yata itong pakasalan ni Oyo Boy Sotto, kaya hindi na magandang tingnan.
Nakitaan naman daw ni Bossing Vic ng potential itong si Gwen. Kaya lang, nu’ng nagpa-audition daw ito, nagbitaw raw ito ng joke na ikinatuwa ng lahat, bukod-tanging si Bossing Vic lang ang hindi.
Sinabi talaga ni Bossing na hindi nakakatawa ang joke niya kaya nahiya tuloy si Gwen. Pero ngayong magkasama na sila sa shooting, medyo nakampante na raw siya at kaagad naman daw siyang nakapag-adjust.
Hindi ko pa tiyak kung kailan sila magsasama ni Sen. Bong Revilla. Pero wa pa comment ang GMA Films kung tuloy ba ang pagsasama nila.
Ang alam ko ito na ‘yung Agimat ni Enteng pero may mga pagba-bago pa raw. Nagsi-mula na rin yata si Bong ng peliku-lang pang-MMFF, pero wa pa silang comment kung ito na ba ‘yung pagsasamahan nila ni Vic.
Si Sam Pinto naman ang ka-partner dito ni Bong na Agimat nga ang role niya. Siya na nga kaya ang Agimat ni Enteng?
Abangan na lang natin kapag magsasama na sila sa shooting. I’m sure bonggang-bongga ang paghahanda nila sa proyektong ito.
NAKAKATUWA NAMAN SI Judy Ann Santos, dahil pati ang bestfriend niyang si Gladys Reyes ay ipinagdarasal din niya na maging safe din ang panganganak nito.
Halos magkasabay daw silang manganganak pero wala pang expected date kung kailan na talaga ang due ni Gladys.
Si Juday ay baka October 19 daw ang schedule nito, pero sana raw earlier dahil feeling nito malapit na siyang manganak.
Pinagdarasal pa ni Judy Ann na sana normal delivery lang siya at ang sabi raw ng nagtuturo sa kanya ng breastfeeding, na mas mabuti kung huwag siyang mag-epidural para mas madali raw siyang mahanap ng baby.
“Nandu’n pa ako sa position na nagdadalawang-isip ako kung gagawin ko ba ‘yung epidural o hindi na. Siguro ‘pag last minute na talagang hinding-hindi ko na kaya, pero hangga’t kaya baka hindi.
“Sabi kasi ng instructor ko sa breastfeeding classes, mas madali kang mahahanap nu’ng baby kapag wala siyang epidural sa katawan kasi siyempre parang nakakonekta siya sa ‘yo eh,” kuwento ni Juday.
Pati pala breastfeeding nag-aaral pa siya para malaman mo raw kung ano ang tamang posisyon nang pagpapadede, kaya natutuwa raw siya dahil marami siyang natututunan.
Kaya gusto niyang normal delivery para madali raw ang recovery dahil gusto niyang siya mismo ang mag-aalaga sa baby nila ni Ryan.
Hindi nga raw siya kukuha muna ng yaya dahil sa mga early months daw, nito personal na aalagaan nila ito ni Ryan.
Kaya talagang feel na feel na niya ang pagiging plain housewife.
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis