Judy Ann Santos, kontrabida sa bagong pelikula!

MASAYANG NAGKUWENTO sa amin si Judy Ann Santos tungkol sa kanyang kakaibang role sa Mga Mumunting Lihim, may pagka-kontrabida raw kasi ang kanyang ginampanang role dito.

Siya raw ang magiging susi at magbubunyag ng mga lihim ng tatlo niyang kaibigan sa pelikula na ginampanan naman nina Janice de Belen, Iza Calzado at Agot Isidro.

Ayon pa kay Juday, masaya siyang magkakaroon na siya ng kanuna-unahang entry sa Cinemalaya ngayong taon.

Excited na kami sa movie, ‘di ba naman, Ed?

NAKAKUWENTUHAN DIN namin si Janice de Belen sa set ng Mga Mumunting Lihim directed by the one and only Jose Javier Reyes.

Ayon kay Janice, masaya siya at muli siyang magbabalik sa Cinemalaya. Hindi raw niya maituturing na indie ang pelikula dahil pareho lang naman daw ang trabahong kanilang ginagawa.

Masaya rin si Janice na makasama sina Judy Ann Santos, Iza Calzado at Agot Isidro sa pelikulang ito. Masaya rin si Direk Joey na naipon niya ang itinuturing niyang dream cast. Goodluck!

CURIOUS KAMI sa actor na leading man ni Janice sa pelikula kaya naman inusisa namin ito kung saan nga ba siya nagsimula at paano siya na-discover.

Siya si Cris Lomotan, theater actor at commercial model pala siya ng marami nang produkto na napapanood natin sa telebisyon. Ano kaya ang masasabi niyang naisama siya sa project ni Direk Joey Javier Reyes bilang leading man ni Miss Janice? “I feel blessed to be part of ‘Mga Mumunting Lihim’. It’s such an honor to be given an opportunity to work with big stars in the industry and award-winning director Joey Reyes.”

Nakiusap naman si Cris na sana ay suportahan siya sa kanyang laban sa Century Tuna Superbods 2012. Nagsimula na ang botohan noong March 23. Para iboto si Cris, mag log in lang kayo sa www.centurytuna.ph/superbods at hanapin n’yo na lang ang pangalan niya, Cris Lomotan. Goodluck, dong!

NITONG NAKARAANG Martes, March 20, 2012, sa presscon ng bagong advocacy ni Boy na Hope in a Bottle, muling naitanong sa kanya ang tungkol sa planong pagpasok niya sa public service.

Sabi ni Kuya Boy, “Hindi solid. Noong ako’y na-involve sa Ladlad party-list, sinabi nila na ako’y naging miyembro dahil interesado ako na maging nominee, natapos na po ang convention ng Ladlad, ako’y hindi nominado, I didn’t run.

“As a matter of fact, dahil nga nagkasakit ang nanay, nabawasan ang aking involvement du’n sa nitty gritty na pamamalakad ng partido.”

Patuloy pa ni Boy, “When I spoke at that press conference about politics, sinabi kong hindi po ako magiging nominee sa Kongreso dahil hindi po ako bagay sa Kongreso, dahil it’s legislative. Ang interes ko kung ako’y papasok sa pulitika, ay executive. I’d like to be able to help my province, sabi ko kung ako’y papasok siguro in 2016, that’s not solid. I will go for a position like the gubernatorial position in Eastern Samar, kung saan ako’y mahalagang tool para makatulong sa aming probinsiya.

Dugtong pa niyang paliwanag, “But right now, my state of mind, hindi ako, masyadong, I’m not leaning towards politics. Sabi nga ni Clinton (Former U.S. President Bill Clinton), eh, public service does not demand public office.”

Paano kung ang tao na mismo ang manghikayat sa kanyang tumakbo?

Sagot ni Kuya Boy, “Ipapaliwanag natin sa tao ‘yan, pakikinggan mo. You would know what is right, ang akin lamang ngayon, I don’t close my doors, hindi po ako nagsasara ng pintuan, hindi po ako nagsasara ng puso sa mga pagkakataon. Pero ngayon, if you asked my state of mind, I’m not leaning towards politics.”

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

Previous articleSunshine Garcia at Mia Pangyarihan, ‘di raw lalayas sa SexBomb!
Next articleSarah Geronimo: Ang Kanyang Reel at Real Relationship

No posts to display