JUDY ANN SANTOS-AGONCILLO as a mother constantly worries about her child’s nutritional well-being just like any other mom. She’s also a chef, having taken up culinary studies, which means that anything related to food and feeding is immediately within her scope of concern and expertise. She’s excitedly shares that Yohan loves the taste of Lactum 6+.
“Nakakatuwa na nakaka-tense, kasi, kapag kasama mo pala ang anak mo sa commercial, wala kang pahinga. Kasi, binabantayan mo siya, nakaka-tense, baka uminit ang ulo. So far, enjoy naman si Yohan sa paggawa niya ng commercial, so, napanatag naman niya ako, puwede na akong mag-relax,” Juday’s reaction while doing a commercial with her daughter Yohan.
Nahirapan din pala si Juday i-motivate ang anak doing the commercial.“’Yung first day shooting niya, medyo may pagpapatulong luhang naganap, pero after awhile, ‘yung pangalawang araw na niya, iniiwan na niya ako sa dressing room. Pumupunta na siyang mag-isa sa set, kaibigan na niya ‘yung director namin, assistant director. Naging play ground na niya ‘yung location, nag-enjoy siya. Ayaw pa nga niyang umuwi!”
Kumusta naman ang pagiging mother to your kids na sina Yohan at Lucho?
“Sobrang ini-enjoy ko ang pag-spent ng time sa dalawang bata. Much harder for me ngayon na umalis ng matagal sa bahay. Siyempre, gusto mo nandoon ka, lalo na ngayon, si Lucho ang bilis-bilis lumaki. So, may mga milestones ‘yung mga bata na gusto mo nandoon ka kapag nangyayari ‘yun. At the same time, I’ll try to explain to them na si Mommy, unti-unti nang nagtatrabaho so, may kaunting bonding time na mangyayari. Tinuruan ko rin si Yohan magluto, kasi, mahilig siyang magluto. Nagko-cook siya sa bahay,” kuwento ni Juday.
Magbabalik-showbiz na ba si Juday o may balak sila ni Ryan na magka-baby uli?
“Kami naman ni Ryan, very vocal sa pagsasabi na hindi kami nagpa-family planning. Kung may dumating pang isa, go, ‘di ba? Kung wala, ibig sabihin, hindi pa tama, pero ngayon settle kami na may dalawang baby, natututukan namin.
“’Yung pagbabalik pelikula, I might do one movie this year, aaralin muna namin kung alin sa kanila ‘yung gagawin. Medyo matagal akong nawala, ayaw ko namang gumawa ng pelikula na sasabihing walang kalatuy-latoy. Pinaghintay ko pa nang matagal. Alam mo naman ang film critics ngayon, marunong umintindi ng tamang pelikula.
“Sa ngayon, ang naka-line-up sa akin ‘yung Junior Master Chef. Mag-i-start kaming mag-roll ng March 31 until June. After that, baka may isa pa, so, ‘yun pa lang sa ngayon.
“Gusto ko rin na kapag bumalik ako, nasa tamang katawan. Ayaw ko namang sabihin na ang tagal-tagal kong nawala, magpapapayat ka, hindi naman pala nangyari. Parang challenge din sa akin na ibalik ko ‘yung katawan ko nung bago ako nagbuntis para masaya. Para confident din ako sa gagawin kong mga trabaho at saka mara-ming trabaho,” pagtatapos ni Juday.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield