HAPPY KAMI dahil nagbabalik na sa MMFF 2019 ang nag-iisang Young Superstar at the Original Teleserye Queen na si Judy Ann Santos. Bida ito sa Brillante Mendoza film na ‘Mindanao’ na mapapanood na natin simula ngayong December 25. Ongoing at umaarangkada rin sa ratings ang kanyang ‘Starla’ sa ABS-CBN.
Recently ay nagkaroon ito ng fun and honest interview with Boy Abunda sa TWBA. Dito ay sinagot ni Juda yang ilan sa mga katanungan tungkol sa kanyang family life particularly ang pagsasama nila ng asawang si Ryan Agoncillo and how she deals with her growing kids. Ibinahagi din niya ang buhay niya bago sila nagpakasal ni Ryan at s’yempre, some story about her upcoming film ‘Mindanao’ na as early as now ay nanalo na siya ng Best Actress sa Cairo International Film Festival.
Napunta rin sa usaping ‘boys’ ang tsikahan. Lumabas ang mga pangalang Wowie de Guzman, Leandro Munoz, the late Rico Yan at Piolo Pascual. Ibinahagi rin ng aktres na marami siya naging suitors noon at naging ‘stepping stone’ pa siya ng ilan sa kanila.
Hindi rin pinalagpas ni Tito Boy ang pagkakataon na gawin ang epic ‘Fast Talk’ with Juday. Isa sa mga tanong na lumabas ay kung papipiliin siya, ano ang mas gusto niyang gawin: A movie with Claudine Barretto o reunion movie with Piolo Pascual.
Mas pinili ni Juday na makatrabaho na finally si Claudine over a reunion movie with Piolo Pascual!
Kahit naman kami ay mas pipiliin na namin na mapanood na sa isang proyekto sina Juday at Claudine, na matagal na rin hinihiling ng fans ng dalawa. Kung noong 70’s ay may Nora vs. Vilma, 80’s has Sharon vs. Maricel, ang 90’s ay may Juday vs. Claudine lalo na’t ang mga teleserye nila ang laging nakakakamit ng high ratings kahit pa sa iisang istasyon lang sila nagsisilbi.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin klaro kung ano ang naging sanhi ng gap sa pagitan nina Juday at Piolo, pero sa tingin naman namin ay mas interesting pa na magkaroon sina Juday at Wowie ng reunion movie lalo pa’t puro teeny-bopper films ang nagawa nila noon.
Palabas na ang ‘Mindanao’ this coming December 25.