ORIGINALLY, KAY Judy Ann Santos sana ang role ni Iza Calzado sa pelikulang Maria Leonora Teresa ng Star Cinema. Ayon sa magaling na actress, agad siyang pinalitan ni Ms. Iza. Hindi raw tinanggap ni Juday ang nasabing proyekto dahil may indie film daw itong gagawin.
Pero may tsika na kinausap daw ng actress si Malou Santos at sinabi nitong gusto muna niyang unahing gawin ‘yung kanyang solo film sa Star Cinema, bago ang horror film ni Direk Wenn Deramas. Hindi pumayag si Malou Santos dahil may playdate na raw ang pelikula. Gawin muna raw ni Juday ang MLT, habang inihahanda ang solo drama film na dapat sana’y sisimulan niyang gawin after maipalabas ang horror film ni Direk Wenn.
Nang hindi tanggapin nina Juday at Eugene Domingo ang project, binago ni Direk Wenn ang character sa script para bumagay kina Iza at Zanjoe. Ginawa niyang bakla ang character ng actor. Pati script, pina-revise nito. Si Uge, ginawa niyang bakla sa katauhan ni Zanjoe. Tuwang-tuwa naman si Direk Wenn dahil napapayag niya ang Star Cinema. Blessing nga raw dahil kumita ang pelikula nina Zanjoe at Pokwang.
Naikuwento pa ni Direk Wenn na nagkausap sila ni Sharon Cuneta para gumawa ng pelikula.
“Tinawagan ako ni Sharon, nagtatampo… sabi niya, “Ikaw Direk, hindi mo na ako ginagawan ng pelikula. Sabi ko, sige mega, basta upo tayo. I think ,hindi namin nagawa ‘yun dahil diretso storycon na kami diretso shooting. Gusto ko siyang makasama dahil masaya ‘yung ginawa naming BFF.
“Pero ngayon, gusto kong may colaboration in terms na gusto ko nandu’n ‘yung puso, isip. Ganu’n na ako ngayong makipag-deal sa ginagawa ko dahil ganu’n ako. Kami ni Vice-Ganda, kunwari meeting with the management of Star Cinema, storycon. ‘Yan si Vice, nagde-date kami n’yan, nagdi-dinner kami, dini-discuss namin kung ano ang bago. Favorite niya ang “Girl, Boy, Bakla, Tomboy” na kumita ng 436 million. Ako, “Praybet Benjamin” at saka na-nominate pa ‘yan sa Okinawa, Japan.”
Next year, malamang daw na Ai-Ai delas Alas ang opening salvo ni Direk Wenn for 2015.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield