IBANG KLASE TALAGA ang karisma ni Judy Ann Santos. Bukod sa teleserye at pelikula, kabila’t kanan ang product endorsement. Kahit nag-asawa na si Judai, lalong pang nagningning ang kanyang kasikatan. Katatapos lang niyang mag-renew ng kontrata bilang image model ng Lactacyd.
Kung pawang papuri ang natatanggap ni Judy Ann sa bawat produktong kanyang ini-endorse. Iba naman ang naging pahayag ni Jamby Madrigal tungkol kay Judai. Sinabi raw nang Senadora na diumano, pinagsisisihan niya ang pagkaka-endorso sa kanya ng actress.
“I haven’t seen the video. I just read it in the internet. Wala akong sapat na basehan tungkol d’yan. But if you ask me what I felt that time, I was hurt! My friend sent me a message. I was hurt talaga! I was deeply hurt kasi, this time I thought she’s sincere in getting my services because she believes in me. I, for one also… in one way or another… believed her… that is why I campaigned for her. Sinasabi ko lang kung ano ‘yung nararamdaman ko,” diretsong sabi ni Judai.
Matindi pala ‘yung sakit na naramdaman ni Judy Ann sa binitawang salita ni Jamby. “Kasi, hindi ko naman naisip na pagkatapos nang lahat-lahat ng paghihirap namin, hindi na niya maa-appreciate ‘yung hirap na pinagdaanan namin. Nakatulong man ako o hindi nu’ng nakaraang eleksiyon, ang masasabi ko lang, siguro naman may mga lima o anim na pinuntahan namin or sa iilang taong nakitang kasama ko siya, bumoto sa kanya dahil nahikayat ko. Kung naniniwala siyang hindi ako nakatulong sa kanya, it’s her own opinion. Hindi ko naman pinagpipilitan ang sarili ko sa isang taong ayaw ‘yung services ko,” pahayag niya
Lesson na natutunan ni Judai sa bad experience niya with Jamby? “Tama nga siguro na bago ka mag-endorso ng isang pulitiko kailangang kilala mo siya mula ulo hanggang paa. Bilang tao na nagseserbisyo sa Pilipinas, kailangang kilala mo na siya bago pa lang siyang mangampanya. Hindi ko sinasabi ito dahil hindi ako naniniwala sa mga pulitiko. Ang sa akin lang ngayon, be silent kung sino man ‘yung iendorso ko. Baka sa susunod na mangyayari, i-regret uli ‘yung services ko, mas lalong dobleng sakit naman ‘yun! Ngayon natuto lang akong panindigan ‘yung prinsipyo ko,” aniya.
Reaction ni Judai sa balitang kailangan daw magbakasyon muna ‘yung mga artistang may kandidatong iniendorso? “Honestly, hindi ko alam ang balitang ‘yan, why? Kasi, hindi ako nakakapanood ng balita lately especially when it comes sa mga endorsement or endorsing particular politician. Sa akin, kung ang mga tao… wala namang pagkakaibang mag-endorso ang isang artista na base sa pinaniniwalaan niya. Ang pag-iendorso ng isang artista, hindi naman pera-pera lang. Ang importante, kung sino ‘yung pinaniniwalaan mo. Maaaring isipin nila na humanap ng power or kung anuman pero sana kung ‘yung ibang tao, binibigyan nila ng freedom of expression to campaign for a certain person. Sana hindi naman iisang tabi ang expression ng isang artista. Bilang artista, tao rin naman kami, may karapatan din kaming sabihin kung sino at kung bakit namin iniendorso ‘yung pulitikong ‘yun.”
Balitang may mga pulitiko gustong kunin ang serbisyo ni Judai, tatanggapin kaya niya? “Iiendorso ko siya dahil kilala ko siya. Dahil pinaniniwalaan ko siya, dahil gusto ko at buong puso kong gagagwin ‘yun. Hindi naman lahat ng ito’y pera-pera lang. Hindi porke artista ka, may katapat na pera agad ‘yan. Hindi po lahat ng artista, mukhang pera. Sana huwag naman nilang ilahat dahil parang sinabi ninyo naman na wala kaming pinag-aralan. Kung hindi dahil sa pera, hindi kami gagalaw. Si Tito Alfie ang nilalapitan pero sa akin lagi ang huling desisyon. Sa ngayon, wala pa po akong tinatanggap,” makabuluhang turan ni Ms. Judy Ann Santos.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield