JUDY ANN Santos is back on the small screen via her newest primetime teleserye Huwag Ka Lang Mawawala which will start airing on June 17. Isang kakaibang Juday ang mapapanood sa series. She will play Anessa, isang battered wife na gagawin ang lahat makalaya lamang mula sa kalupitan ng kanyang asawa at maprotektahan ang kanyang anak.
Kasama rin sa inaabangang series sina KC Concepcion, Sam Milby, John Estrada, Mylene Dizon, at Ms. Coney Reyes.
Sa mahigit dalawang dekada niyang pamamayagpag sa industriya ay walang kaduda-dudang siya nga ang nag-iisang Queen of Teleseryes. Naging kabahagi tayo ni Juday sa kanyang makulay na buhay na parang isang teleserye – may saya, may luha, may pagkabigo pero sa bandang huli ay may happy ending. From being a child star to being a happy wife and mom, nasaksihan nating lahat ang bawat yugto ng kanyang buhay.
She is on top of her game pero sa kabila ng kanyang mga accomplishments as an actress ay aminado si Juday that she feels queasy about her Teleseye Queen tag. Kuwento niya sa kanyang interview with ABS-CBNNews.com, “Nahihiya ako sa totoo [lang]. Nakaka-flatter. Hindi ko tatanggalin ang pakiramdam na nakaka-flatter talaga. But then again, minsan iisipin mo ‘deserve ko ba ito, hindi ba parang OA ito?’”
“Kasi siyempre hindi mo maiiwasan na makapag-isip NAng ganito kasi may mga taong magbibigay ng negative na komento tungkol sa pagiging ‘The Queen’. Hindi naman po ako ang nagbigay nito sa sarili ko pero I’m flattered. Wala akong maisip para mai-describe ang nararamdaman ko kung hindi flattery at thankful.”
Lubos ang kanyang pasasalamat sa ABS-CBN dahil sa good projects na natatanggap niya.
Ipinakita ni Juday ang kanyang husay bilang isang aktres sa pagbibigay-buhay niya sa mga karakter na kanyang ginampanan sa mga teleseryeng Mara Clara, Esperanza, Sa Puso Ko Iingatan Ka, Basta’t Kasama Kita, Krystala, Sa Piling Mo, Ysabella, at Habang May Buhay.
Sinabi ni Juday na nagsimula ang kanyang tagumpay dahil sa Mara Clara. “Lahat-lahat ng iyan nagsimula sa Mara Clara. Dahil ang Mara Clara ang huling soap na umabot ng limang taon, iyon ang pinakatumatak sa mga tao. From there nag-start. Dahil siguro lumaki ako sa mata ng mga tao nang limang taon, at after that, sunud-sunod ang ibinigay na serye sa akin ng ABS-CBN. Kaya siguro nabansagan ako na teleserye actress. Doon ako nasanay at ito ang parte ng sistema ko na hindi ko makakalimutan. It will always be part of me.”
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda