DALAWANG PELIKULA ni Judy Ann Santos ang hindi natuloy gawin ng young superstar this year.
Ito ay ang Maria Leonora Teresa ng Star Cinema na napunta kay Iza Calzado ang role, at ang isa ay ang Mariquina na isang Cinemalaya 2014 entry, at napunta ito kay Mylene Dizon.
No regrets para kay Juday, dahil isa namang obra ng mga batikang direktor na sina Peque Gallaga at Lore Reyes ang ginawa ni Juday, ang T’yanak, isang reboot ng nasabing horror flick ng master directors.
Sa T’yanak, pinapurihan ng ilang film critics ang acting ni Juday, lalo na sa mga highlight scenes nito.
“Proud ako sa nagawa namin nina Direk Peque. Bihira lang ako gumawa ng pelikula sa mga panahon ngayon, pero ang pelikulang ito ay maipagmamalaki ko,” lahad ni Juday.
Kasama rin sa cast sina Solenn Heusaff, Tom Rodriguez, Sid Lucero, pero si Juday nga ang napansin ng press na lumutang ang timpladong akting, pati na yung child actor na si Adrian Cabrido.
Wala ring importansiya kay Juday kung maliit ang nakuhang talent fee (kung nagpasingil man siya) sa paggawa ng T’yanak, ang mahalaga raw sa kanya ay first time niyang nakatrabaho sina Directors Peque and Lore.
Kabilang ang T’yanak sa Sineng Pambansa Horror Plus Film Festival ng Film Development Council of the Philippines (FDCP). Ang iba pang films na kalahok ay Hukluban ni Gil Portes, Sigaw sa Hatinggabi ni Romy Suzara, at Bacao ni Edgardo “Boy” Vinarao, now showing exclusively sa SM cinemas nationwide.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro