KUNG HINDI ako nagkakamali, noon pa inaayos ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos ang papeles ni Yohan.
At sa tagal ng paghihintay, mukhang suwerte kay Juday at Ryan ang taong ito dahil na-grant na rin na isa nang official Agoncillo si Yohan.
“Timing dahil malapit na ang pasukan at kailangan din ‘yun sa enrolment,” kuwento ni Juday sa solo presscon niya para sa latest teleserye sa Kapamilya Network, ang Huwag Ka Lang Mawawala na magsisimula na sa June 17.
Happy si Juday dahil sa sunud-sunod na biyaya sa kanya ng nasa Itaas.
Bukod sa magandang balita na isa nang official na anak ng dalawa si Yohan, maganda ang project niya sa muli niyang pagharap sa kamera bilang isang drama queen. Ang bansag nga sa kanya, Queen of Pinoy Soap Opera, na ikinatuwa naman niya.
‘Yong mga cooking shows niya sa ABS-CBN (nag-aral naman kasi siya ng culinary bago pa nagsisunuran ang ilang showbiz celebrities natin) ay masasabig pang-warm up lang at hindi maituturing na “big” project sa kanyang pagbabalik after itong mag-asawa at magkaanak, kumpara sa bago niyang serye sa Channel 2.
One thing napansin namin sa mga pananalita ni Juday ngayon, mas magaling na siyang sumagot sa tanong. Mas relax. Mas may laman at nag-iiwan ng marka.
Now, she talks about brutality on women at mga women issues with confidence. Kung hindi mo kilala si Juday na isang artista, sasabihin mo na isa siyang womens rights activists who knows how to handle issues such as battering at ang pananakit sa emosyon ng isang babae. Biro nga niya, she wants a talk show like The Judy Ann Show dahil kapado niya ang pananalita lalo na sa ganitong usapan.
Sa solo presscon niya, bubbly siya. Bigay-todo. Madaldal na hindi na pinahirapan ang press sa mga itatanong sa kanya.
Nagkunwari nga siya na siya ang host ng The Judy Ann Santos Show na maging siya natatawa. Ito ang isa sa mga bago kay Juday ngayon na isa na siyang ina kay Yohan at Lucho.
Tulad ng bago niyang serye, hindi lang pala sa drama masusubukan ang aktres. Pati na rin sa ilang action scenes (not the typical Krystala – the super woman role niya noon) kung saan ang mga suntukan at paghawak ng baril ay mga pagkakataon na kailangan niyang ipakita to safe her child sa teleserye.
Si Juday naman, very athletic at ‘di nga ba ay nagki-kick boxing (Muay Thai) siya na noon pa niya ginagawa to keep her fit bago pa man nagsipagsunuran ang iba?
Happy si Juday. Umaapaw tulad ng sabi niya kaya nga sa mga eksenang iyakan, hirap siyang humugot para mas madali siyang umiyak. Pero overwhelming ang mga magagandang nangyayari sa personal life niya at career. Kaya for her, she has nothing to ask for.
SA TOTOO lang, aminin ko, hindi ako fan ng GMA-7 except ‘yong news personalities nila like Vicky Morales, Arnold Clavio; mga host ng I-Witness at documentary shows nila. Halos iilan lang sa mga artista nila ang kilala ko. The rest of them hindi ko maalala ang mga pangalan. Siguro dahil karamihan sa kanila, dumaan lang sa kanto ng Timog at EDSA at kinaray ng bakla at hayun GMA artists na.
Sina Marian Rivera, Dingdong Dantes, Richard Gutierrez, Solenn Heussaff, Lovi Poe, Isabel Daza, Jake Vargas, Bea Binene (na nakilala ko dahil sa kanyang iskandalo), Elmo at Maxene Magalona na mga anak ng kaibigang Francis M. Si Aljur Abrenica at Kylie Padilla (na anak ni Robin) kilala ko. Si Jennylyn Mercado na girlfriend ni Luis Manzano knows ko. Si Regine Velasquez, Jolina Magdangal, Geoff Eigenmann, Sid Lucero, Jaya, Ogie Alcasid na balita nga ay pumirma na sa TV5, sila lang ang mga alaga ng GMA na nasa kamalayaan ko.
Kadalasan ‘pag panaka-nakang nakapapanood ako ng mga teleserye nila, tinatanong ko pa sa house cleaner ko na si Eunice kung sino ‘yung artistang pinapanood ko. Mas kabisado kasi niya.
Ako, matagal siguro bago ko makasanayan ang mga artista ng GMA. ‘Yong iba kasi, years na pala sa GMA, pero wala pa rin nangyayari sa kanilang mga karir.
Next issue, malalaman n’yo ang dahilan.
Reyted K
By RK VillaCorta