Jueteng ni Santos ang binabantayan ng QCPD

TINIYAK NI QUEZON City Police District (QCPD) Dir. C/Supt. Jeorge Regis na nagkaroon nga ng kapabayaan sa panig ng kanyang mga Station Commander kaugnay sa dalawang magkasunod na pamamaslang sa mga kababaihan sa Kyusi.

Mabuti naman, parekoy, at umamin din itong magiting na he-neral.

Na ang pamamaslang kina Marie Teresita Tioga (tinangay pa ang kotse) sa Kamuning at Sheryl Agnes Sarmiento sa Fairview ay naganap dahil sa kawalan ng “police visibility”.

Sa kabila ng pag-amin ni Gen. Regis sa kapabayaan ng dalawang nakasasakop na hepe, nagpahayag si Regis na hindi pa rin daw niya sisibakin ang mga ito.

Tutal hindi naman daw makakatulong sa paglutas ng kaso kung sisibakin niya agad. Dapat daw lutasin muna ng nasabing mga hepe ang mga krimen na ito.

Susmaryosep na argumento mong ‘yan Gen. Regis. Kung police visibility nga na iikut-ikot lang at poporma-porma sa kanilang erya ay hindi magawa ng mga lintek na ‘yan, ang paglutas pa kaya sa kaso?

Isa pa General Regis, hihintayin mo pa ba talaga na may maganap uli na ganyan kalagim na krimen bago mo bigyan ng leksiyon ang mga damuhong hepe na ‘yan?

Paano ‘yong mga nasa ibang presinto, eh ‘di pwede muna silang magpabandying-bandying?

Tutal kahit may ganyang krimen na maganap sa kanilang lugar ay alam naman nilang hindi mo sila sisibakin.

Dahil kapag sinibak mo sila, lalabas na “unfair” ka.

Oo nga naman, bakit itong dalawa ngayon hindi mo sinibak? Gets mo?

S’yanga pala Gen. Regis, alam mo ba ang tunay na dahilan kung bakit palpak ang “police visibility” ng QCPD?

Kasi po, kung iikot daw sila eh, pagod lang at gastos sa gasolina.

Samantalang kung doon na lang sila mag-o-orbit sa Juetengan ni Tony “Bolok” Santos ay hindi na pagod, may kita pa!

Tutal naman daw may patong na kay TS ang mga hepe, may parating din kada linggo sa DPOS ni Gen. San Diego at higit sa lahat, aprubado naman daw sa iyo si Santos!

INAANYAYAHAN ko po kayo na makinig sa aking radio program na ALARMA KINSE TRENTA, Lunes-Biyernes, 6-7 am sa DZME o kaya ay mag-log-on sa www.dzme1530.com o mag-e-mail sa [email protected]  o mag-text sa 09152121303.

Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303

Previous articleCiara Sotto Concert
Next articleLarge-scale illegal recruitment

No posts to display