PUMANAW NA sa edad na 75 taong gulang ang tinaguriang Jukebox King na si Victor Wood. Kasunod itong pagpanaw din ng Jukebox Queen na si Claire dela Fuente na pumanaw din ilang linggo na ang nakakaraan.
Hindi naman sinabi ng mga Kapamilya ng OPM icon kung ano ang totoong dahilan ng pagpanaw ng singer. Ayon sa report, isang araw lang nanatili si Victor sa ICU bago ito binawian ng buhay.
Nagpositibo si Victor sa covid-19 virus at nakaramdam ng paninikip ng hiningi bago ito isinugod sa ospital. Katulad dito ito ng naging kaso noon ni Claire na habang naghihintay sa tent sa labas ng isang hospital ay inatake na sa puso at namatay.
Sayang at hindi na inabutan ni Victor ang kabuuan ng kanyang biopic na kasalukuyang sinu-shoot. Ang pelikula ay pinagbibidahan ni Martin Escudero.
Samantala, maraming naging hit songs noon si Victor na nagsimula ang carreer bilang singer noong late 70s. Siya ang nagpasikat ng mga kantang “Eternally,” “Fraulein,” “Mr Lonely,” “I’m Sorry My Love,” at marami pang iba na kinagiliwan ng mga Pilipino.
Nakikiramay po kami sa mga naulila ni Victor Wood!