Back to the grind ang Jukebox Queen na si Eva Eugenio.
Unti-unti nang nakikilala ang kanyang single na “Ano Nga Ba’ng Pangalan Mo?” na isinulat ni Pablo Vergara at binigyan ni Eva ng new twist.
“It was a song which he sold to me. I decided to rearrange it. Dinagdagan ko ng mga tunog, so it’s catchy and naiiba,” say ni Ms. Eva sa amin during an animated chit chat sa Mga Obra Ni Nanay gallery ni Nanay Cristy Fermin.
Ayon kay Eva na nakilala sa kantang “Tukso”, the competition sa music is very stiff kaya kailangan ay angat talaga ang musika ng isang artist.
“The thing is, it’s very hard na magpa-hit ng song ngayon, lalo’t wala kang kakumpetensiya,” say ni Ms. Eva.
There’s truth to it naman, as hindi na masyadong active ang mga kasabayan niyang sina Imelda Papin at Claire dela Fuente.
“Ang huli kong album ay ‘yung ‘Jukebox Diva’ is 30 years ago where I revived songs of other singers. You have to think of a way or probably kung anong style dapat para catchy. Ang hirap magpa-hit ng kanta ngayon siguro because life is hard. Wala naman ngayong sikat na bagong kanta. Iba na ito, ginawa kong may rap kasi you have to follow the trend,” dagdag niyang chika.
“Actually, ito ay about one night stand kaya hindi mo alam ang pangalan niya. Ano nga ba ang pangalan mo? Siguro nagkikita na kayo, pero isang gabi lang kayong nagka-kuwan,” paliwanag pa niya about her song.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas