SUPLADA ANG arrive nang first naming makadaupang-palad ang newest Barretto sa showbiz na si Julia. Ipinakilala siya sa amin ng isang kaibigan na manager ng isang kasama-han nito sa Star Magic Circle 13.
Tsika nga ng aming friend, “Julia, mga press people.” Pero imbes na bumati ang hitad eh, tumingin lang sabay na umalis at pumunta sa kanyang mga co-Star Magic Circle 13. Feeling yata nito, made na siya, dahil Barretto siya!
Pero, Ineng, wala ka pang napapatunayan, dahil hindi porke’t maganda ka at Barretto ang ginagamit mong apelyido ay feeling ka na. Patunayan mo muna na mahusay kang aktres at hindi magiging sakit ng ulo ng network na pinagtatrabahuhan mo, bago ka umasta asta nang ganyan.
Dinaig pa nito ang mas ‘di hamak na sikat sa kanya na sina Nora Aunor, Judy Ann Santos, Toni Gonzaga, Sharon Cuneta, Vilma Santos, Bea Alonzo, Sarah Geronimo to name a few, na mas magiliw sa mga press people. Malayung-malayo ito sa kanyang mga co-Star Magic Circle 13 members na sina Jon Lucas at Ingrid Dela Paz na maganda ang pakikitungo sa mga press nang ipakilala sa kanila.
HINDI RAW big deal kay Jomari Yllana kung tatay na ng isang dalagang katulad ni Kim Rodriguez at Lexi Fernandez ang role niya sa pinakabagong serye ng Kapuso Network na Kambal ni Eliana na launching solo pro-ject ni Kim sa GMA-7.
Ayon nga kay Jomari, 36 years old na siya at puwedeng magkaroon ng 18 years old na anak in real life, if magkakaanak siya sa edad na Dise Otso. At ang kanyang anak naman na si Andre ay nagbibinata na dahil 14 years old na ito, kaya naman tinanggap niya ang nasabing role.
Bukod pa sa happy nga siya dahil sunud-sunod ang proyektong dumarating sa kanya at hindi siya nababakante, dahil after Indio kung saan tatay naman siya ni Sheena Halili na mas matanda nang ‘di hamak kina Kim at Lexi, ka-join siya sa Kambal ni Eliana.
WALA PA ring final decision si Lovi Poe kung lilipat ba siya sa TV5 o mag-stay sa Kapuso Network. Tsika nga ni Lovi na hinatayin na lang daw kung ano ang magi-ging desis-yon niya, dahil sobrang hirap daw mag-decide kung mananatili pa rin siya sa GMA-7 or mag-oober da bakod na.
At kung ano ang magiging desisyon niya, ‘yun ang nasa puso niya at ‘yun ang gusto niyang mangyari sa kanyang career. Kaya naman daw hindi siya basta-basta nagsasalita kaugnay sa isyung lilipat siya ng TV network.
Habang hindi pa ito nakapagde-decide, busy muna si Lovi sa paggawa ng pelikula. Pero if ever daw na lilipat ito sa Singko, bonggang-bonggang show ang sasamahan nito with Alice Dixson at Ruffa Gutierrez.
John’s Point
by John Fontanilla