MAAYOS na sana ang relasyon ng mag-amang Julia Barretto at Dennis Padilla pero nitong nakaraang linggo ay muling nagsalita ang aktor tungkol sa estranged relationship nila ni Julia. Ang hindi mapagbigyan ni Julia ang ama sa dinner invitation nito ang pinag-ugatan ng lahat.
Naglabas ng hinaing si Dennis hanggang muling naungkat ang matagal nang isyu tungkol sa attempt diumano ng aktres na huwag gamitin ang apilyedong Baldivia ng ama at palitan ito ng Barretto.
Ayon sa taga-Viva na nangangalaga ng career ni Julia pagkatapos nitong magpaalam sa Star Magic, ay imposible talagang makadalo si Julia sa imbitasyon ng ama dahil halos dalawang buwan na itong nasa lock-in taping para sa Di Na Muli, ang bagong drama series ng Viva Television at TV5 na pinagbibidahan nila ni Marco Gumabao.
Nagtataka ang netizens sa ginawa ni Dennis dahil nagkakaintindihan na sila ni Julia noon pero ibinabalik pa rin niya ang isang lumang isyu na natuldukan na noong nakaraang buwan nang mag-usap sila ng puso sa puso sa YouTube vlog ng kanyang anak.
Sa interview ni Dennis kay Ogie Diaz na in-upload sa YouTube noong June 3, ang tungkol sa attempt ng kanyang mga anak kay Marjorie Barretto noong 2014 na papalitan legally ang kanilang last name na Baldivia at gawing Barretto ang naging paksa.
Sa debut presscon ni Julia para sa Just Julia debut special niya na inere sa ABS-CBN noong 2015, isa sa naitanong kay Julia noon ang tungkol sa bagay na yon at ayon sa kanya, “Right now, there’s really no need to change my last name.”
Nagkapaliwanagan na sila that time at siya pa nga ang naging first dance ni Julia sa actual debut nito. Nagkalabasan na rin sila ng nararamdaman sa isa’t tungkol dito sa vlog ni Julia na Questions I’ve Never Asked My Dad na in-upload sa YouTube only last May 1.
Sa vlog na lumabas sa YouTube Channel ni Julia noong May 2021, inamin ni Dennis ang mga pagkukulang nito bilang ama at ang pagkakaroon niya ng attitude at temper kaya nagkaroon sila ng mga hindi pagkakaunawaan ng kanyang ex-wife na si Marjorie Barretto.
Binanggit din ni Dennis na nasaktan ito sa desisyon ni Julia noong July 2014 na huwag nang gamitin ang kanyang real family name na Baldivia.
“ It’s not the pangalan itself. That’s my blood, kaya masakit ‘yun. Kasi kumbaga, parang ito ba ang gusto n’yo? Barretto na nga ang dala mo sa screen, bakit tatanggalin n’yo pa ang apelyido ko? Masakit sa akin ‘yon,” ang sabi ni Dennis noon.
Pero base sa mga legal documents at mga pinirmahang kontrata ni Julia sa Viva ay Baldivia pa rin ang ginagamit niya bilang pagpapakita ng respeto kay Dennis sa kabila ng kanilang mga hindi pagkakaintindihan noon.
Julia Francesca Baldivia ang nakalagay sa exclusive contract ng aktres sa Viva, sa lahat ng mga kontrata ng kanyang mga product endorsement at sa mga personal matter kaya walang dahilan para magtampo si Dennis sa kanyang anak.
“I didn’t ever give up on our relationship. I was never, ‘He hurt me. He traumatized me. I’m never gonna try with my relationship with him again.’ Because if I had given up, we wouldn’t be talking right now. But I kept trying. That was painful for me.
“ I was fighting so hard for our relationship despite all the words thrown at me by my own dad. I understand your frustration. Nobody was talking to you, but you have to look at why aren’t we talking to you. Why were we so scared to talk to you? You have to understand there was so much pain. There was so much fear,” pahayag noon ni Julia sa ama.