“AH, TALAGA? Anak pala ni Dennis Padilla si Julia Barretto?”
Dalawang beses na naming nae-encounter ang ganitong dayalog sa kaibigan. Na susundan pa ng, “Ba’t hindi binabanggit ni Julia sa mga interview niya at palaging si Marjorie Barretto ang nasa eksena?”
Ewan kung totoong hindi nababanggit ni Julia, baka rin kasi nabanggit talaga, pero hindi lang namin naabutan or napanood.
Pero so far, ininterbyu sa Showbiz Inside Report at sa The Buzz si Julia, parang oo nga, ‘no? Ba’t nga pala parang hindi nababanggit ang name ni Dennis?
Baka naman hindi lang naitatanong, kaya hindi rin para banggitin din ni Julia?
O, baka naman ‘yun na ang unang pakiusap bago umupo for interview na walang banggitan ng name ni Dennis?
Pero tatay rin kasi kami, eh. Kahit kami ang nasa lugar ni Dennis (ewan ko kung okay lang sa kanya), medyo “pitik” sa damdamin namin ‘yon bilang ama, eh. Saka wala naman kaming nabalitaang naging masamang ama si Dennis sa kanyang tatlong anak kay Marjorie.
Hindi naman siguro magiging ganyan kaganda si Julia kung hindi rin nahaluan ng dugo at laman ni Dennis, ‘di ba? Sana, sa mga susunod na interviews ay mabigyan ng sapat na kredito bilang ama si Dennis.
Teka muna, natapos ba ang relasyon nina Marjorie at Dennis na magkaibigan sila? Sana nga. Alang-alang sa mga bata.
“PAHINGA MUNA ako ng mga one week, puwede na uli akong magteleserye,” sey ni Janice de Belen nu’ng tanungin namin kung after “Ina, Kapatid, Anak” ay ano na ang next teleserye niya.
“Gusto ko nga, sa next teleserye ko, isang mahirap na ang role ko. Pass na muna ako sa mayaman, hahaha!”
Kunsabagay, nu’n kasi sa Budoy, mahirap ang role niya. Sa IKA, mayaman ang role niya. Salit-salit lang.
Kahit sa ibang artista, mas gusto nilang mahirap lang ang role, dahil una, hindi mahirap sa damit. Pangalawa, nandu’n ang simpatya ng publiko, lalo na kung inaapi.
But at the end of the day, it’s always how you portray your character well.
NAPA-THANK YOU, Lord naman kami, dahil nu’ng una’y pangarap lang namin na mapasama, pero ngayon, nagkatotoo nang kasama na kami sa Huwag Ka Lang Mawawala bilang teka, ano nga ba ang character namin?
Nako, kahit ano’ng karakter ‘yan, ang importante, may trabaho at nabibigyan namin ng justice ang character namin, okay na sa amin. Hindi na para maungusan pa namin ang mga bida, dahil mas masarap ang feeling na sumusuporta lang kami sa kanila.
Ilang teleserye na rin ang ginawa namin at siyempre, lahat ay sa ABS-CBN kung saan 21 years na kami sa istasyong nagtiwala sa amin. At ‘eto nga, hihinintay na lang namin ang tawag ng management, dahil kasama na kami sa bibigyan ng loyalty award for 20 years.
Juice ko, meron na naman kami uling matatanggap na incentive. Hahahaha!
Alam na.
Oh My G!
by Ogie Diaz