MAGANDA ang naging takbo ng career at personal na buhay ni Julia Barretto sa taong 2021. Dalawa ang pelikulang natapos niyang gawin na ayon sa dalaga ay nagpabalik ng fire and motivation niya bilang movie actress.
Ang dalawang pelikulang tinutukoy ni Julia ay ang Bahay Na Pula mula sa direksiyon ni Brillante Mendoza at ang Expensive Candy na reunion movie naman nila ni Direk Jason Paul Laxamana na nakasama niya sa pelikulang Between Maybes with Gerald Anderson noong 2019.
“As an actress, just having done the two films that I did in November, and just now, recently, just a few days ago, I’m really really happy to have done those films.
“Bumalik talaga yung fire ko for making films and I’m so inspired and motivated again, like, that’s all I wanna do next year — keep making films,” kuwento ni Julia sa PUSH at sa ilang showbiz press sa ginanap na intimate virtual mediacon nang ipakilala siya bilang first-ever celebrity ambassador ng Miracle White na isang glutathione supplement brand.
Inilarawan din ni Julia na “calm and peaceful” ang kanyang 2021 na ipinag-pray daw talaga niya.
Deklara niya, “As a person, I really am in a good place in my life. I really am happy with the people that surround me and there’s just a lot of peace within me.
“Just a lot of calm and peace, and that’s something I’ve been praying for two years now. And this year, it’s just all about that and I couldn’t be more grateful.”
Inamin din ni Julia na part ng kanyang mga kinikita tulad na lang halimbawa sa endorsement niya sa Miracle White ay ginagamit niya sa kanyang investment tulad ng itinayo niyang online shop ng mga fashon accessories na tinawag niyang Juju Club.
“Like with the Juju Club, di ba, isa yang investment for me and marami pa akong siyempre mga dreams at saka mga ina-eye na investments pero personal na yon. But yeah, kasi siyempre di ba tumatanda na rin tayo. And of course, we work hard to get comfortable.
“Sana by the time magkaroon tayo ng family, ganyan, we just want our kids in the future to be comfortable. So we really strive and we work hard because kasi kailangan, eh,” sabi ng aktres.
Masaya ring ibinahagi ni Julia na maganda ang pagtanggap ng mga tao sa kanyang Juju Club.
“I am very overwhelmed up to this day. We’ve only been a month old, but hanggang ngayon, para siyang panaginip. Para siyang dream.
“And I’m just glad that I’m able to relate to a lot of girls, and a lot of girls can relate to me and my love for these things. I really hope that it becomes part of everybody’s life, so that is a miracle,” masaya pa niyang pahayag.
Samaintala, isang expensive watch naman ang regalo ni Julia sa kanyang sarili this holiday season na ayaw na niyang sabihin sa amin kung anong brand ito.
“Parang yon yung first gift ko sa sarili ko after two years!” natatawa at kaswal niyang pahayag.