Changed na siya. Parang same sa gusto ni President Digong sa mga Pilipino. Hindi lang pala ako ang nakakapansin sa positive change kay Julia Barretto.
Dati kasi, hindi maganda ang impresyon ng showbiz writers sa dalaga. Medyo iritado ang mga bakla sa pa-Ingles-Ingles niya na sa totoo lang naman, ‘yun ang lengguwaheng nakasanayan niya, kaya natural lang talaga ang mag-i-Ingles siya kapag kausap mo siya kahit Tagalog ang tanong mo sa kanya.
Dahil sa maturity marahil na natamo at sa mga nagdaang panahon at pagkakataon, iba na ang isang Julia Barretto na nakasasalamuha ngayon ng media.
Marami na rin palang showbiz writers ang nagkakagusto sa kanya na personally ay magandang senyales na puwedeng maging “Darling of the Press” ang dalaga.
Kaya nga happy kami na ang dating misunderstood na si Julia, tila positibo na ang dating. Hindi na “nega” ang aura.
Ngayong Kapaskuhan, gusto ko rin ang wish niya na she likes her dad na si Dennis Padilla ang isa sa mga unang makapanood ng kanyang 2016 Metro Manila Film Festival entry ng Star Cinema na “Vince&Kath&James” na idinirek ni Teodoro Boborol.
Pambagets ang pelikula. Pang millennials, ‘ika nga, dahil sa tema ng istorya tungkol sa pag-ibig na nabuo sa pamamagitan ng pagte-text. In short “romance by MSM” na para sa mga edad 23 and below, cool ito.
Noong una, hindi ko pa gets ‘yong sinasabi nila, pero nang maipaliwanag, oks naman pala sa akin ang ganung “romance”, lalo pa’t torpe ka sa pagpapakilala sa isang babae at sa paniligaw sa kanya.
Sa kuwento kasi, si James played by Ronnie Alonte ay crush is Kath played naman by Julia. Torpe si Ronnie kaya thru text messaging ang style ng kanyang panliligaw na dahil nga sa torpe, nagpatulong ito sa pinsan niyang si Vince na ginagampanan naman ni Joshua Garcia kung ano ang diskarte na puwedeng gawin.
Kapag nagpo-post kami ng photos nina Joshua at Julia sa aming social media account, ang daming mga supporters ng dalawa ang nagla-like. Meaning, mayroong fan base ang dalawa.
Pero ang Julia-Ronnie fans, ganu’n din. Healthy competition, ‘ika nga, ng dalawang love teams na walang siraan tulad ng ibang fans and supporters ng younstars natin sa kasalukuyan.
Okey lang na may competition between the two love teams (Joshua-Julia and Ronnie-Julia), pero walang hindi magagandang comments.
Sa Instagram account ko na @rkvillacorta, kapag nagne-nega, nagmamaasim or nagbigay ng negative comments ang isang fan or supporter sa posting ko o isinulat, without warning bina-block ko na agad. Ayaw ko ng mga faney na utak-talangka sa teritoryo ko na nagkakalat.
In my territory, in my IG, bawal ang manira. Ako lang ang puwedeng magmaldita. Am I clear? Or else…
Reyted K
By RK VillaCorta